Michael Faraday

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Michael Faraday
Si Michael Faraday.
Kapanganakan 22 Setyembre 1791
Surrey
Kamatayan 25 Agosto 1867
Hampton Court
Libingan Highgate Cemetery
Pagkamamamayan United Kingdom
Hanapbuhay pisiko, Q593644

Si Michael Faraday (22 Setyembre 1791 - 25 Agosto 1867) ay isang Ingles na kimiko at pisiko.

Sa kanyang kapanahunan, tinatawag ang mga taong katulad niya bilang mga likas na mga pilosopo o mga pilosopong natural. Gayundin, noong panahong iyon, kaunti lamang ang nalalamang tungkol sa kuryente o elektrisidad. Maraming mga bagay na natuklasan si Faraday hinggil sa paraan ng pagganap ng kuryenteng dumaraloy sa alambre bilang isang balani o magneto (tinatawag ngayon na elektromagnetismo). Natuklasan din ang maraming mga bagay kung paano magagamit ang elektrisidad na sinasamahan ng mga kimikal upang mapagbago ang mga ito (kilala sa ngayon bilang elektrokimika).

Naipakita niyang may kakayahan maipluwensiyahan o maapektuhan ng magnetismo ang sinag ng liwanag, dahil magkapareho lamang ang dalawang ito sa katotohanan. Siya ang umimbento ng unang motor na de-kuryente. Dahil sa kanyang maagang mga gawa kaya't naging isang gamiting bagay ang kuryente sa kasalukuyang panahon.

Tingnan din[baguhin]

Mga bagay na may kaugnayan kay Faraday:



TalambuhayKimikaPisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kimika at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.