Michael Jordan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Michael Jordan
Si Michael Jordan
Kapanganakan 17 Pebrero 1963
Brooklyn
Pagkamamamayan Estados Unidos
Alma mater Pamantasan ng Hilagang Karolina sa Chapel Hill
Hanapbuhay Basketbolista, manlalaro ng baseball, awtobiyograpo, Atleta
Mga magulang Q3161193

Si Michael Jeffrey Jordan (ipinanganak noong Pebrero 17, 1963) ay isang retiradong Amerikanong manlalaro ng basketbol. Maraming mga tao ang naniniwalang si Jordan ang isa sa pinakamahusay na mga manlalaro ng basketbol na naglaro para sa NBA. Nagwagi siya ng anim na mga kampeonato habang naglalaro para sa Chicago Bulls at sa ilalim ng tagasanay na si Phil Jackson. Nakapagtakda ang Chicago Bulls ng isang rekord sa pamamagitan ng pagpapanalo ng 72 mga laro. Bahagi si Jordan ng koponang ito at naglarong kasama ng mga lalaking katulad nina Dennis Rodman, Scottie Pippen, at Toni Kukoc. Nanalo si Jordan ng dalawang medalyang ginto na pang-Olimpiko para sa basketbol. Ang unang niyang medalyang ginto ay noong 1984 bilang isang manlalaro sa kolehiyo, at ang pangalawa ay noong 1992 bilang isang manlalaro ng NBA.


Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.