Mikropono

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang uri ng mikropono.
Mikroponong pang-kompyuter.

Ang mikropono o microphone[1] [bigkas: maykrofown], na tinatawag ding mike [bigkas: mayk], maik (mga pinaikling bersyon ng microphone) o miktinig ay isang akostiko-hanggang-elektrikong transduser o sensor na may kakayahing palitan o baguhin ang tunog para maging hudyat na elektriko. Ginagamit ang mga ito sa maraming mga bagay katulad ng telepono, grabador o rekorder (tape recorder), aparatong pantulong-sa-pandinig, produksiyon ng pelikula, buhay at nakarekord na inheriyang awdyo, sa pagbobrodkast sa radyo at telebisyon, at mga kompyuter para masagap ang tinig, VoIP, at maging sa mga di-akostikong paggamit tulad ng pagsusuring ultrasoniko.

Mga bahagi ng mikropono[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga payak na bahagi ng mikropono ang dayapram (diaphragm) at ang kapsula. Isang manipis at matalon na piraso ng metal, papel, o plastik ang nagsisilbing dayapram. Samantalang naglalaman naman ang kapsula o kapsul ng mga maliliit na butil ng karbon.[2]

Paggana ng mikropono[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagiging enerhiyang kuryente ang tunog sa pamamagitan ng mikropono sapagkat mayroon itong mga materyales, katulad ng mga butil ng karbon, na nagpapadaloy (nagsisilbing konduktor) sa kuryente kapag ipinasailalim ng presyon o lakas. Mas maraming kapangyarihan o presyon, mas maraming elektrisidad ang dadaloy.[2]

Kapag tumama sa dayapram ang mga alon ng tunog, itinutulak at pinipiga nito ang mga butil ng karbon para magkadikit-dikit. Kapag malakas ang presyon o lakas ng pagtulak o pagpiga, malakas din ang daloy ng kuryente; kapag mahina ang presyon, mahina rin ang daloy ng kuryente. Laging nakaayon o depende ang daloy ng kuryente sa natatanggap na bilang o kantidad ng lakas o presyon. Nakaayon naman o depende ang bilang o timbang ng presyon mula sa dami ng tunog na natatanggap nito. Kapag tumigil ang tunog o pagpapatugtog, sa kaso ng musika, magbabalik ang dayapram sa orihinal nitong posisyon, at titigil din ang daloy ng kuryente.[2]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Mikropono, microphone, tanggap na ang baybay na Ingles para sa Tagalog sa sangguniang ito, maging ang maik o mike". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. 2.0 2.1 2.2 ""How does a microphone work?"". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).