Musa (mitolohiya)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Musa (paglilinaw).
Mga musang sumasayaw. Umiindak sila habang kapiling si Apollo.

Sa mitolohiyang Griyego, ang mga musa ay tumutukoy sa siyam na mga anak na babae nina Zeus at Mnemosyne. Sila ang mga diyosa ng mga sining at mga agham. Tuwing may kapistahan ang mga diyos at mga diyosa, nagsasayaw at umaawit sila. Nagagawa nilang makalimutan ng mga tao ang alinmang mga suliranin nakakabagabag sa kalooban. Sa larangan ng panitikang klasiko at sa Ingles, maraming mga paghiling na iniaalay para sa mga musang ito. Kabilang sa mga musa ng sinaunang Gresya sina: Calliope, Clio, Erato, Euterpe, Melpomene, Polyhymnia, Terpsichore, Thalia, at Urania.[1]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Muses". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik na M, pahina 616.



MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.