New Taipei

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kinaroroonan ng New Taipei sa Taiwan

Ang New Taipei /nyu tay·pey/ (Tsino: 新北市, Pinyin: Xīnběi Shì, Pe̍h-ōe-jī: Sin-pak-chhī) ay ang pinakamataong lungsod sa Taiwan. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang baybayin ng Taiwan at pinalilibutan ang Lunas ng Taipei. Pinalilibutan din ng New Taipei ang kabiserang lungsod ng Taipei. Nasa gawing hilagang-silangan ng hangganan nito ang Keelung, ang county ng Yilan sa timog-silangan at county ng Taoyuan sa timog-kanluran.

Dating County ng Taipei ang lungsod ng New Taipei nang ito'y rineorganisa bilang espesyal na munisipalidad noong Disyembre 25, 2010.