Pumunta sa nilalaman

Nicolaus Copernicus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nicolaus Copernicus
Larawan ni Copernicus mula Toruń, malamang galing noong ika-16 na siglo
Kapanganakan19 Pebrero 1473(1473-02-19),
Kamatayan24 Mayo 1543(1543-05-24) (edad 70),
Frombork (Frauenburg), Warmia, Poland
NagtaposJagiellonian University, Bologna University, University of Padua, University of Ferrara
Kilala saHeliocentrism
Karera sa agham
LaranganMathematician, astronomer, jurist, physician, classical scholar, Catholic cleric, governor, military commander, diplomat, economist
Doctoral studentGeorg Joachim Rheticus
Pirma

Si Nicolas Copernicus (19 Pebrero 1473 – 24 Mayo 1543) ay isang astronomo na nagbigay ng unang makabagong pormulasyon ng teoriya ng heliosentrismo (nakasentro sa araw) ng sistemang solar sa kanyang aklat, De revolutionibus orbium coelestium (Sa mga Rebolusyon ng mga Selestikal na Esperiko). Ipinanganak si Copernicus noong 1473 sa lungsod ng Toruń (Tinik), sa Makaharing Prussia, isang astronomong lalawigan sa Kaharian ng Poland. Nakakuha siya ng edukasyon sa Poland at Italya, at ginugol ang karamihan ng kanyang mga gawa sa Frombork (Frauenburg), Warmia, kung saan namatay siya noong 1543.

Ipinanganak sa lungsod ng Thorn (Torun), parte ng Kahariang Poland, si Copernicus ang pinakabata sa apat na magkakapatid. Ang tiyuhin niya ang nagpaaral sa batang Copernicus papunta sa Paaralang San Juan sa Torun, kalauna'y nag-aral rin si Copernicus sa isang Paaralang Katedral sa Wloclawek kung saan ang mga estudyante ay dito naghahanda para makapasok sa Unibersidad ng Krakow.[1]

Sa kanyang panahon at pag-aaral sa Krakow, napukaw ang interes niya sa aritmetika, heometriya, pati na rin sa astronomiya. Sa Krakow rin nangolekta si Copernicus ng libong-libong datos lalong-lalo na sa astronomiya.[1]

Ang kanyang apat na taon sa unibersidad ang naging daan niya para magawa niya ang kanyang mga nais na pag-aaral. Dito inilahad ni Copernicus ang kanyang mga doktrina ukol sa mga teorya nina Aristotle at Ptolemy.[1]

Noong 1543, ang kanyang makabagong teoryang "De revolutionibus orbium coelestium" ay nailathala pero ito rin ang taon ng kanyang kamatayan.[1]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Umakyat patungo: 1.0 1.1 1.2 1.3 World's Famous Inventors, Scientists, and Physicists, Book 1 (2010), Acon Printing and Marketing


Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.