Noche Buena

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Notsebuwena)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Noche Buena (Kastila: Noche Buena, literal na "mabuting gabi" o "magandang gabi"; Ingles: Christmas Eve)[1] ay ang paraan ng pagsasalu-salo ng mga pamilya na nagaganap tuwing bisperas o gabi[2] bago sumapit ang pinaka-araw ng Pasko (ang bisperas ng Pasko). Tuwing Notsebuwena, naghahanda ang mag-anak ng mga panghating-gabing pamahaw o pagkaing natatangi at madalas ihain tuwing may mga okasyon, kasama ang mga prutas na hugis bilog. Natatawag din ang Notsebuwena bilang Media noche (Kastila: Media Noche; Ingles: midnight repast)[1] na isinasagawa rin at mas ginagamit na pantawag sa tuwing magaganap ang bisperas ng Bagong Taon.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Notsebuwena, Notsebwena; Medyanotse". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 907 at 936.
  2. Gaboy, Luciano L.. "Eve, bisperas, gabi bago sumapit ang isang pangyayari". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.