Pasko sa Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang mga parol na ipinagbibili tuwing Pasko sa Pilipinas.

Ang Pasko sa Pilipinas, isa sa dalawang bansang may malawak na paniniwala sa Simbahang Katoliko sa Asya, ay nangunguna sa pinakamalaking pista ng taon. Ang Pilipinas ay natatangi sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko[1][2][3] na kung saan ang mga awit pangpasko ay naririnig mula Setyembre hanggang sa sumunod na taon sa araw ng Pista ng Epifanio (Araw ng pagdating ng Tatlong Mago/Hari).

Mga pangyayari[baguhin]

Misa de Gallo (Disyembre 16-24)[baguhin]

Bilang kinaugalian, ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ay nagsisimula sa siyam na araw na misa tuwing alas-4 ng madaling araw mula Disyembre 16. Kilala bilang Misa de Gallo (o "Misa ng mga Tandang" sa Kastila) at ang misa ay kilala sa wikang Tagalog bilang Simbang Gabi at tinawag itong simbang gabi dahil sa nagsisimula at natatapos ang misa (mass) bago sumikat ang araw. Ito ang pinakamahalagang tradisyon ng mga Pilipino.

Itong siyam na misa ay kinikilalang Nobvena ng mga Katoliko at ng mga Aglipayan. Ito ay tumutukoy sa kinasanayang siyam na araw na paniniwala para makakuha ng magandang biyaya.ang siyam na araw ay nangangahulugan ng siyam na buwan ng pagdadalang tao ng Birhen Maria.

Nakasanayan o nakaugalian na rin ng mga pilipino na pagkatapos ng misa, ang mga nagsisimba ay kumakain na ng agahan sa bahay o bumibili sa Plaza o bangketa ng bibingka (gawa sa harina, kanin, at may itlog sa ibabaw na niluluto gamit ang uling sa lutuang gawa sa palayok), puto bumbong (malagkit na kanin na pinasok sa kawayan na may asukal at kinayod na niyog), salabat (mainit na tsaang gawa sa luya) at inuming tsokolate (tradisyonal na panimpla).

Bisperas ng Pasko[baguhin]

Pagsapit ng alas-10;ng gabi ng bisperas ng Pasko, nagsisimba ang lahat para sa huling Simbang Gabi bilang pasasalamat sa biyayang binigay sa nagdaang taon at para ipagdiwang ang kaarawan ni Jesus. Ang mga Pilipino, tulad ng ibang nagdidiwang ng Pasko sa buong mundo, ay nagsasalo pagsapit ng alas-12;ng hating-gabi sa tradisyonal na Noche Buena. Ang tipikal na handang Pilipino ay ang queso de bola (English: edam cheese), inuming tsokolate, hamon de bola (English: Christmas ham), at ibang handa na impluwensiya ng Kanluran (Spaghetti, Macaroni) at Silangan (Lumpiang Shanghai, Pancit). Pagkatapos ng kainan ay binubuksan na ang mga regalo.

Sa ilang probinsiya sa Pilipinas ay may prosisyon bago ang huling Simbang Gabi. Sinasadula nila ang panunuluyan ni Jose at Birheng Maria hanggang makita ang sabsaban.

Araw ng Pasko[baguhin]

Ang araw ng Pasko ay tradisyonal na gawaing pampamilya. Ang misa sa umaga pagkatapos ng huling Simbang Gabi ay tinatawag na Misa de Aguinaldo.

Pagkatapos ng misa, ang mga pamilyang Pilipino ay bumibisita sa kanilang mga kamag-anak, ang iba sa mga ninong at ninang. Sinisimulan ito sa pagmamano bilang respeto sabay ng pag-abot ng regalo na kadalasan ay perang bagong imprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Pagkatapos nito ay nagsasalo ang buong angkan sa tradisyonal na tanghalian. Sa hapon, ang ibang pamilya ay umuuwi na o pumunta sa pampublikong lugar tulad ng parke, mall, sinehan at tabing dagat. Mula 1975, naging tradisyon na ng mga sinehan sa Maynila, at ngayon sa buong Pilipinas, na hindi magpalabas ng pelikulang banyaga at ito ay tinatawag na Metro Manila Film Festival. Isa ring kakaibang tradisyon ay nagpapaputok ng rebentador, kwites at iba pa sa araw ng Pasko.

Dekorasyon[baguhin]

Karaniwang palamuti ng bawat Pilipinong mag-anak ang Parol at Belen. Sa panahon ng makabagong kultura, sinabayan na ito ng Christmas Tree at mga palamuting Christmas Lights. Nilalagyan na rin ng imahe ni Santa Claus at ang kanyang reindeer ang bakuran ng bahay.

Pananapatan[baguhin]

Tuwing gabi mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 24, naging tradisyon na ng mga kabataang Pilipino manapatan sa mga bahay-bahay. Ang kadalasang pantugtog ay tamborinang gawa sa tansan ng softdrink at aluminum o alambre, drum mula sa lata ng gatas ng sanggol.

Isang halimbawa ay ang kantang "Sa may bahay ang aming bati"

Sa may bahay ang aming bati:
"Merry Christmas na maluwalhati!"
Ang pag-ibig, pag siyang naghari,
Araw-araw ay magiging Pasko lagi!
Ang sanhi po ng pagparito,
Ay hihingi po ng Aguinaldo.
Kung sakali't kami'y perhuwisyo
Pasensiya na kayo't kami'y namamasko!
We wish you a merry christmas,
We wish you a merry christmas,
We wish you a merry christmas,
And a happy New Year!!
Ulítin lahat

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]


Kawing panlabas[baguhin]