Lata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ilang piraso ng lata.
Para sa mga ibang gamit ng salita, tingnan ang Lata (paglilinaw).

Ang lata, estanyo, tinggaputi o tin (Kastila: estaño, Ingles: tin, Cebuano: tansan) ay isang elementong kemikal na may sagisag na Sn (Latin: Stannum) at may numero atomikong 50. Kabilang ito sa pangunahing pangkat na metal sa pangkat 14 ng periodiko ng mga elemento. Ang tansan ay nagpapakita ng pagkakatulad sa mga katabi nitong mga metal sa pangkat 14 na hermanyo at tingga, gaya ng estado nito sa pag-ooksihena na +2 at +4. Ito ang ay ang pang-ika-49 sa dami sa kalikasan, at sa 10 buong/matibay na isotopyo, ito ang may pinakamalaking numero ng buong/matibay na isotopyo sa lahat ng kilalang elemento. Nagmumula ang lata sa mineral na cassiterite, kung saan ito ay tansang di-oksinada, SnO.

Ang lata ay may kulay na tila pilak, na madaling tunawin, at marupok na metal na hindi madaling makaranas ng pag-ooksinada sa hangin at ito ay ginagamit na pambalot sa ibang mga metal para makaiwas sa pagkatunaw o pagkasira. Ang unang haluang metal na ginamit sa malakihang pangangalakal ay nagmula noong 3000 BC at tinatawag ding bronse, isang halo ng lata at tanso. Matapos ang 600 BC purong metall na tanso na ang nagagawa. Ang peltre, isang halo 85% hangang 90% na tansan kasama ang tanso, antimonya at tingga, ay ginagamit na pinggan mula Panahon ng Tanso hanggang sa ika-20 siglo. Sa panahong kasalukuyan, ginagamit ang tansan sa maraming halong metal, gaya ng malambot na solderong lata/tingga, na karaniwang mayroong 60% o mas maraming lata. Isa pang ginagamitan ng tansan ay ang paglalagay ng tansan sa asero o yero. Dahil mababa ang pagkakataon nitong makalason, ang mga metal na binalutan ng lata ay ginagamit di sa pagbabalot ng mga pagkain, gaya ng mga lata, na karaniwan ding gawa sa aluminyo at asero o yero.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]