Bromina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang bromo o bromina[1] (Ingles: bromine, Kastila: bromo), na may simbolong Br, ay isang elementong kimikal. Ang atomikong bilang (ang bilang ng mga proton sa loob nito) nito ay 35, at ang atoming timbang ay 80. Bahagi ito ng Pangkat 7 (mga haloheno) sa talaang peryodiko ng mga elemento. Ito ay diatomiko, at likidong mapulang-kayumanggi, na tumutugon sa mga metal at mga di-metal. Masimbuyo o marahas ang pagtugon ng posporo sa bromina, gayundin ang pagtugon dito ng aluminyo. Bihira ang elementong kimikal; tanging ang bromina lamang at ang merkuryo ang likido sa temperatura na pangsilid.

Hindi isang mahalagang bahagi ng katawan ng tao ang bromina, hindi tulad ng mga kamag-anak nitong klorina at iyodo. Natatagpuan ang bromina sa mga karagatan sa binawasang anyong tinatawag na bromida o bromide. Makikibuo ang mga kumpuwestong kimikal ang bromida sa mga sustansiyang katulad ng sodyo upang bumuo ng sodyong bromida.

Nakakalasaon ang bromina at nakakaagnas ng balat, habang mas hindi nakakapinsala ang bromida. Nakakairita ang gas o singaw na bromina kapag nasinghot.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L.. "Bromine, bromina". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.