Platino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Huwag itong ikalito sa platina at plutonyum.
Mga bugkol o maliliit na piraso ng platinong nakuha sa kalikasan.

Ang platino[1][2] o platinum[1][2] (Kastila: platino, Ingles: platinum,daglat o sagisag = Pt) ay isang uri ng mala-pilak na elementong may mga katangiang maaaring mabatak, mapukpok, at hindi kinakalawang. Kalimitan itong ginagamit para sa paggawa ng mga kasangkapang elektroniko, mga alahas, at mga pampasta para sa mga ngiping may sira o bukbok. Natuklasan ito ni Antonio de Ulloa, kasama si Jorge Juan y Santacilia noong 1735. Kabilang sa mga katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong bilang na 78, ng pamantayang atomikong timbang na 195.09, antas o degri ng pagkatunaw na 1,769oC, antas o degri ng pagkulo 3,827oC, at tiyak na kalubhaan (tiyak na dagsin o espesipikong grabedad) na 21.45.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Platino, platinum". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L.. "Platinum, platino". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.