Elementong kimikal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang talaang peryodiko ng mga elementong kimikal.

Ang elementong kimikal ay isang kalipunan ng mga atomo na may iisang bilang ng proton sa nukleyo. Ang bilang na ito ay tinatawag na numero atomiko ng elemento. Halimbawa, ang lahat ng atomong may 6 na proton sa kanyang nukleyo ay atomo ng elementong karbon, at ang lahat ng mga atomong may 92 proton sa kanilang nukleyo ay atomo ng elemento uranyo.

Ang pinakamakisig na pagpapakita ng mga elemento ay ang talaang peryodiko. Ito ay nagpapangkat sa mga elemento na may magkakamukha ng katangian. Matutunghayan rin ang listahan ng mga elemento na iniayos ayon sa pangalan, simbolo o numero atomiko.

Dahil sa ang bilang ng mga proton sa nukleyo ang nagdidikta sa bilang ng elektron sa palibot ng nukleyo at nang kanyang katangian, at dahil sa ang mga elektron ang panglabas na bahagi ng atomo (ang bahaging rabaw na nakikita ng sanlibutan), ang identidad ng isang elemento ang nagdidikta sa paano ito makikipagniig o makikipagsanib sa ibang kimika. May ilang banayad na pagbabago sa katangiang kimika ang idinudulot ng bilang ng neutron sa nukleyo ng halos ‘iisang’ elemento.

Mga sanggunian[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.