Radon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang radon (Kastila: radon, Ingles: radon, binibigkas sa Ingles bilang /rey-don/, may sagisag na Rn, atomikong bilang na 86, atomikong timbang na 222, punto ng pagkatunaw na 71 °C, punto ng pagkulong 61.8 °C, espesipikong grabidad na 4 sa anyong buo o solido, balensiyang 0, at kalahating buhay na 3.823 mga araw) ay isang elementong gas na nabubuo sa pamamagitan ng pagkakawatakwatak o pagkakalansaglansag (disintegrasyon) ng elementong radyum. Katangian nito ang pagiging walang kulay ngunit radyoaktibo, at hindi kumikilos o walang galaw. Natuklasan ito ni Friedrich Ernst Dorn noong 1900. Nagagamit ito sa radyoterapiya at sa pananaliksik ng pagpapalabas ng mga neyutron.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Radon". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.