Plurina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang plurina o pluor (Kastila: flúor, Ingles: fluorine, may sagisag na F, atomikong bilang na 9, atomikong timbang na 18.9984, punto ng pagyeyelong (FP) 62 °C, punto ng pagkulong 188.14 °C, espesipikong grabidad na 1.108 [sa anyong likido], at balensiyang 1) ay isang elementong haloheno. Isa itong elementong may kulay na maputlang dilaw. Bilang lason, mabagsik ito, nakakaagnas at nasa anyo ng isang gas. Ito ang pinaka-elektronegatibo at pinaka-reaktibo sa lahat ng mga elemento, at ginagamit na sangkap sa paggawa ng maraming uri ng mahahalagang mga kompawnd. Natuklasan ito ni Ferdinand Frederick Henri Moissan noong 1886.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Fluorine, plurina". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.




Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.