Amerisyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang americium o amerisyo (Kastila: americio, may sagisag na Am, atomikong bilang na 95, espesipikong grabidad na 11.7, at balensiyang 3, 4, 5, at 6). Isa itong elementong metaliko, maputi, at trans-uraniko, na kabilang sa serye ng aktinido. Nagtataglay ito ng mga isotopong may bilang ng masa mula 237 hanggang 246. Mayroon itong mga hating-buhay[t 1] mula 25 mga minuto hanggang 7,950 taon. Sa pananaliksik, pinagmumulan ito ng mga sinag-alpa,[t 2] partikular na ang mga isotopong Am 241 at Am 243. Natuklasan ito nina Glenn Theodore Seaborg, Leon O. Morgan, Ralph A. James, Stanley G. Thompson, at Albert Ghiorso noong 1945.[1]

Talababa[baguhin]

  1. Ingles: half-life
  2. Ingles: alpha particle


Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Americium, amerisyum, amerisyo". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.




Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.