Humphry Davy

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Sir Humphry Davy.

Si Sir Humphry Davy, Unang Baronet, FRS MRIA (ipinanganak noong 17 Disyembre 1778 sa Penzance, Cornwall, Inglatera; namatay noong 29 Mayo 1829 sa Lungsod ng Ginebra, Suwisa),[1][2][3] ay isang kimiko na ang pag-aaral ng elektrokimika ay humantong sa unang dalisay na mga anyo ng ilan sa mga elementong kimikal na katulad ng potasyo at sodyo. Isa rin siyang imbentor.[4] Marahil siya ay pinaka naalala sa ngayon dahil sa kaniyang pagkakatuklas ng ilang mga metal na alkali at mga alkalinang metal ng mundo, pati na sa mga naiambag niya sa pagkakatuklas ng mga kalikasang pang-elemento ng klorina at ng iyodo. Tinawag ni Berzelius ang Panayam na Bakeriano ni Davy noong 1806 na pinamagatang "Hinggil sa Ilang mga Ahensiyang Pangkimika ng Kuryente" (On Some Chemical Agencies of Electricity)[5] bilang isa sa pinakamahusay na talang-gunita (memoir) na nakapagpayaman sa teoriya ng kimika.[6] Ang sulating ito ay nakatuon sa anumang teoriya ng pagkakaugnayang pangkimika noong unang hati ng ika-19 na daantaon.[7] Noong 1815, naimbento niya ang lamparang Davy, na nakapagpahintulot sa mga mangmimina (mga minero) na makapagtrabaho nang ligtas habang mayroong mga gas na maaaring magliyab.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Sir Humphry Davy, Baronet , britannica.com
  2. Mula sa, Institue of Chemistry, The Hebrew University of Jerusalem
  3. SIR HUMPHRY DAVY (1778–1829), woodrow.org
  4. David Knight, ‘Davy, Sir Humphry, baronet (1778–1829)’, Oxford Dictionary of National Biography, Oxford University Press, 2004 napuntahan noong 6 Abril 2008
  5. "On Some Chemical Agencies of Electricity". Archived from the original noong 2007-10-26. http://web.archive.org/web/20071026154758/http://www.english.upenn.edu/Projects/knarf/Davy/davy5.html. Hinango noong 2008-03-02. 
  6. Berzelius, J. J.; isinalinwika nina A. Jourdan at M. Esslinger (1829–1833) (sa Pranses). Traité de chimie. 1 (salinwika, mayroong 8 mga tomo na ed.). Paris. pp. 164. , (sa Suweko) Larbok i kemien (Orihinal na ed.). Stockholm. 1818. 
  7. Levere, Trevor H. (1971). Affinity and Matter – Elements of Chemical Philosophy 1800–1865. Gordon and Breach Science Publishers. ISBN 2-88124-583-8. 



BiyolohiyaTalambuhaySuwisa Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya, Talambuhay at Suwisa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.