Santa Claus

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Santa Klaus. Buenos Aires. Dic. 2013.

Si Santa Claus, na karaniwang iniuugnay sa Pasko, ay karaniwang inilalarawan bilang isang malaki, mataba at masayahing lalaki na nakasuot ng pulang damit na ginayakan ng puting palamuti. Ayon sa Amerikanong bersiyon ng alamat, si Santa, kapag pinapaikli ang kaniyang pangalan, ay nakatira sa Hilagang Polo sa piling ng kaniyang asawang si Ginang Klaus o Mrs. Claus, ilang mga duwende na gumagawa ng mga laruan, at mga usang reno na humihila ng kaniyang kareta o paragos. Sa bersiyong Nordiko ng alamat, nakikilala si Santa Claus bilang Amang Pasko o Father Christmas at sinasabing nakatira sa Lapland, Finland. May kaugnayan din siya sa pagdadala ng mga regalo sa maliliit na mga bata tuwing Pasko sa pamamagitan ng pagpapadulas sa mga tsimneya, at mayroong ding mga usang reno na humihila ng kaniyang paragos.

Pinagmulan ni Santa Claus[baguhin]

Ang tradisyon ay orihinal na nagmula sa Finland (mga bansang Nordiko) at lumaganap sa mundo. Pinaka pinaniniwalaan na nalikha ang Santa Claus magmula sa Olandes na Sinterklaas na ipinagdiriwang tuwing bisperas ni San Nicolas (Disyembre 5) sa Netherlands. Noong Kristiyanisasyon ng Hermanikong Europa, ang katauhang Sinterklaas ay maaaring nagsama ng mga elemento ng Diyos na si Odin na nauugnay sa paganong Diyos na ipinagdiriwang tuwing Yule at nanguna sa isang Wild Hunt na isang prusisyong makamulto sa kalangitan. Sa paglipas ng panahon, ang mga katangian ng katauhang SinterKlaas ay isinama sa mga katangian ng katauhang British na Father Christmas upang maging Santa Claus sa modernong panahon.

Ibang katawagan[baguhin]

Maraming tanyag na mga bagay sa kulturang popular na hinggil kay Santa Claus. Nakikilala rin si Santa Claus bilang Saint Nicholas (San Nicolas), Saint Nick, Santy, Kris Kringle, Kristingle, Christingle at maraming iba pang mga pangalan.[1]

Tahanan ni Santa Claus[baguhin]

Ayon sa mitong Nordiko, nakatira si Santa Claus sa isang maliit na burol na tinatawag na Korvatunturi sa Lapland, Finland. Mayroong isang liwasang may tema sa Rovaniemi, na malapit sa Korvatunturi, na tinatawag na Nayon ni Santa Claus o Santa Claus Village.

Ang santong nakapagbigay ng inspirasyon sa alamat ni Sinterklaas, na kung gayon ay si Santa Claus ay si San Nicolas, na namuhay noong ika-4 na daantaon AD at mayroong isang reputasyon na palihim na nagbibigay ng mga aginaldo, katulad ng paglalagay ng mga barya sa mga sapatos ng mga nag-iiwan ng mga sapatos na ito para sa kaniya.[2]

Mga sanggunian[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.