Pumunta sa nilalaman

Pagdiskaril ng tren sa Santiago de Compostela

Mga koordinado: 42°51′34.2″N 8°31′40″W / 42.859500°N 8.52778°W / 42.859500; -8.52778
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagdiskaril ng tren sa Santiago de Compostela
Larawan ng pagsagip sa mga biktima
Mga detalye
Petsa24 Hulyo 2013 (2013-07-24)
Oras20:41 CEST (UTC+02:00)[1]
LokasyonAngrois, Santiago de Compostela, Galisya
Map
BansaEspanya
Linyang daangbakalMadridFerrol
OperadorRENFE
Uri ng insidentePagdiskaril
SanhiLabis na bilis ng takbo nang lumiko[2]
Estadistika
Mga tren1
Mga pasahero218[1]
Namatay79[3]
Nasugatan140
PinsalaWalong kotse, isang kotseng kainan, dalawang kotseng henerador, dalawang lokomotibo

Naganap noong 24 Hulyo 2013 ang pagdiskaril ng tren sa Santiago de Compostela sa Espanya, kung saan nadiskaril ang isang matuling treng (high-speed train) Alvia ng RENFE na bumibiyahe mula Madrid patungong Ferrol sa isang kurbada 4 kilometro (2.5 mi) mula sa estasyong daangbakal ng Santiago de Compostela. Sa 222 kataong nakasakay (218 pasahero at 4 tripulante) sa treng iyon, 79 ang namatay at halos 140 ang nasugatan.

Inirehistro ng rekorder ng datos (data recorder) ng tren na bumibiyahe ang tren na halos doble sa nakatakdang hangganan ng tulin (speed limit) na 80 kilometro kada oras (50 mph) nang papasok ito ng kurbada. Nakunan ng kamera sa gilid ng riles ang pagdiskaril, kung saan nadiskaril ang lahat sa 11 bagon ng tren, at tumaob ang apat sa ito.

Ito ang pinakamalubhang aksidenteng daangbakal sa Espanya sa halos 70 taon, makatapos ang isang aksidente sa Torre del Biezo noong 1944.

Isa ang Espanya sa mga may pinakamalawak na kalambatan ng matuling daangbakal (high-speed railway network) sa buong mundo, na itinayo at pinananatili ng kompanyang pang-imprastruktura na Adif, at tinatakbo ng RENFE, ang kompanyang daangbakal na nasa pagmamay-ari ng estadong Espanyol. Ang pampasaherong tren na RENFE Klase 130 ay tumatakbo sa isang matulin na daangbakal, pero hindi ito ang pinakamabilis na tren ng kompanya.[4]

Noong 8:41 n.g. CEST (6:41 n.g. UTC, 2:41 n.u. PST) ng 24 Hulyo 2013,[1] nawasak ang dulo ng pampasaherong treng RENFE Klase S730 na may biyaheng Madrid Chamartín patungong Ferrol sa mabilis na ruta (express route) ng linyang matuling daangbakal ng Olmedo-Zamora-Galicia sa Angrois, Santiago de Compostela.[5] Ipinakita ng kamera sa gilid ng riles na isa sa mga pampasaherong bagon na nasa harap ang unang bumagsak sa riles, kasunod ang ibang bagon at ang lokomotibo. Mayo 218 pasaherong nasa loob ng tren nang nangyari ang aksidente.[1]

Isa sa mga bagon ng tren ang nasira sa aksidente, habang isa pa ang nasunog. May mga 'di-opisyal na ulat na nagsasabing bumibiyahe ang tren nang dalawang beses sa hangganan ng tulin nang lumiko ito sa kurbada.[6]

Ayon sa Reuters, 178 katao ang dinala sa ospital. Ang mga nasugatan ay nasa 140 at 79 ang namatay (ang unang ulat ay 80 pero namali ang bilang dahil sa dobleng pagbilang sanhi ng pagkalat ng bahagi ng ilang mga katawan). Ang dalawang nagmamaneho ng tren ay nasaktan sa insidente pero nakaligtas. Simula noong 25 Hulyo, 36 mga tao ang nasa kritikal na kondisyon. Ang pagdiskaril ng tren sa Santiago de Compostela ay ang pinakamalubhang aksidente sa riles na naganap sa Espanya mula noong nangyari ang aksidente sa Torre del Biezo noong 1944.[3][Note 1]

Mga reaksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpatawag si Mariano Rajoy, and Punong Ministro ng Espanya, ng biglang pulong ng pamahalaan makatapos ng aksidente. Sinabi ni Rajoy na "nais kong ipakita ang aking pagkalungkot at pagkakaisa kasama ng mga biktima ng malubhang aksidenteng daangbakal sa Santiago" ("I want to express my affection and solidarity with the victims of the terrible train accident in Santiago").[7] Sa susunod na araw, binisita ni Rajoy ang lugar ng insidente at nagdeklara siya ng tatlong araw ng pambansang pagluluksa. Bumisita naman sina Haring Juan Carlos at Reyna Sofía sa mga nasaktan sa aksidente sa ospital ng Santiago de Compostela.[8][9]

Ani Alberto Núñez Feijóo, ang pinuno ng pamahalaang panrehiyon ng Galisya, "may mga bangkay na nakatengga sa riles. Mala-Dante ang tanawin." ("There are bodies lying on the railway track. It's a Dante-esque scene.") Mahigit 320 pulis ang ipinadala sa lugar ng insidente. Ipagdidiriwang sana ng Galisya ang pambansang araw nito (Día Nacional de Galicia) noong 25 Hulyo, ngunit kinansela ito dulot ng aksidente.

Ang Komisyon ng Pagsisiyasat sa mga Aksidenteng Daangbakal (Comisión de Investigación de Accidentes Ferroviarios, CIAF) ang may pananagutan sa mga imbestigasyon sa mga aksidenteng daangbakal (railway accident) sa Espanya. Sinabi ni Núñez Feijóo, "masyadong maagang sabihin ang sanhi ng aksidente."[5] Isang tagapagsalita ng pamahalaan ay sinabi na aksidente ang nangyari sa pagdiskaril ng tren sa Santiago de Compostela at walang tumuturong ebidensiya na terorismo ang sanhi nito.[4]

Sinabi ng mga testigo na ang tren ay lumalakbay nang mabilis bago ito nadiskaril.[2][10][11] Iniulat nang 'di-opisyal ng midya na sinabi ni Francisco José Garzón Amo, isa sa mga nagmamaneho ng tren, na pinatatakbo niya ang tren sa tulin na mahigit 190 kilometro kada oras (118 mph), at ang at hangganan ng tulip sa kurbadang iyon ay 80 km/h (50 mph).[12] Iniulat ng ilan sa midya na pinagmayabang ni Garzón Amo noong nakaraang taon sa kaniyang kuwenta sa Facebook na binibilis niya ang takbo ng tren.[13][14] Isang paskil sa Facebook na iniulat ng midyang Espanyol na maiuugnay kay Garzón Amo ay nakasabing, "ang sayang tumakbo kasama ng pulis at lampasan sila, at paganahin ang kanilang kamera ng tulin" ("It would be amazing to go alongside police and overtake them and trigger off the speed camera"), kasama ng isang larawang nagpapakita ng bilis ng takbo ng tren na umaabot sa 200 km/h (120 mph).[13][14]

Noong 28 Hulyo 2013, kinasuhan si Garzón Amo ng 79 bilang ng pagpapatay sa kapwa sanhi ng propesyonal na pagkawalang-ingat (professional recklessness).[15]

Sa unang pagsisiyasat ng Kataas-taasang Hukuman ng Galisya, nalaman nila na ang tren ay bumibiyahe ng 153 kilometres per hour (95 mph) nung nangyari ang aksidente. Sinabi ng mga tagapagsiyasat, ang nagmamaneho ng tren ay tumatawag sa telepono sa mga tauhan ng Renfe tungkol sa ruta hanggang Ferol, hindi kaagad na aktibahin ang preno ng tren, nagalaw naman, ngunit wala sa oras upang panatilihin ang ligtas na limitasyon ng bilis para sa liko.[16]

  1. ^ Ang pagsabog ng tren sa Madrid noong 2004, na mahigit 191 na tao ang namatay, ay gawa ng terorismo, hindi aksidente.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Descarrilo del tren Alvia Madrid-Ferrol" (sa wikang Kastila). RENFE. Nakuha noong 24 Hulyo 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Accidente en Santiago: La caja negra confirma que el tren iba a más de 190 km/h". La Voz de Galicia. Nakuha noong 24 Hulyo 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Joel Gómez (26 Hulyo 2013). "La Policía Científica rebaja a 78 el número de muertos en el accidente de tren de Santiago". La Voz de Santiago (sa wikang Kastila). Santiago de Compostela. Nakuha noong 26 Hulyo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 David Roman (24 Hulyo 2013). "Train Derailment Kills Dozens in Northwestern Spain". Wall Street Journal. Nakuha noong 25 Hulyo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Dozens die as Spanish train derails in Galicia". BBC News. 25 Hulyo 2013. Nakuha noong 25 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rodrigo Silva; Antonio Alonso (25 Hulyo 2013 – 00:02 CET). "Accidente ferroviario en Santiago de Compostela". El País (sa wikang Kastila). Madrid. Nakuha noong 25 Hulyo 2013. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong); Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)
  7. "Train crash in Spain". Sky News. Nakuha noong 24 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Spain train crash: Driver faces investigation". BBC News Online. Nakuha noong 25 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Spain's King Juan Carlos visits injured train survivors". BBC News Online. Nakuha noong 26 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. David Reinero, Sonia Vizoso (25 Hulyo 2013). "77 muertos y más de 140 heridos al descarrilar un tren de pasajeros en Santiago". El Mundo (sa wikang Kastila). Nakuha noong 25 Hulyo 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "At least 77 killed as train derails in northern Spain". Russia Today. Nakuha noong 24 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Spain train crash: Galicia derailment kills 78". BBC News. 25 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Govan, Fiona (25 Hulyo 2013). "Spain train crash driver allegedly boasted on Facebook about speeding before horrific derailment". The National Post. Nakuha noong 26 Hulyo 2013. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Staff and agencies, guardian.co.uk (26 Hulyo 2013). "Spanish train crash driver wrote on Facebook about high speed – report". The Guardian. Nakuha noong 26 Hulyo 2013. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Spanish train conductor charged in deadly crash". CNN. Nakuha noong 28 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Spain train driver 'on phone' at time of deadly crash". BBC News. 30 Hulyo 2013. Nakuha noong 30 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikinews
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito: