Pagkaubos ng ozone

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Butas ng ozone sa katimugang polo, Setyembre 2006
Mga layer o patong ng atmsopero. Ang ozone layer ay matatagpuan sa mababang bahagi ng stratospero mula tinatayang 20-30 km sa itaas ng mundo.

Ang pagkaubos ng ozone o ozone depletion ay naglalarawan sa dalawang natatangi ngunit magkaugnya na phenomena na napagmasdan simula huling 1970: ang isang patuloy na pagbagsak na mga 4% kada dekada ng kabuuang bolyum ng ozone sa stratospero ng mundo (ang ozone layer) at isang malakaing pagbawas ng ozone sa stratospero sa mga rehiyong polar ng mundo. Ang huli ay tinatawag na butas ng ozone. Bukod dito, may mga pangyayaring springtime na pagkaubos ng ozone sa tropospero ng mundo.