Pagtatalik na pang-aso

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang parehang nagtatalik na nagsasagawa ng pagpapasok sa likod.


Ang Pagtatalik na pang-aso, Pagtatalik na parang sa aso, o Pagtatalik na mala-aso, kilala rin bilang pagpapasok sa likod, ay isang pangkat ng mga posisyong pampagtatalik kung saan ang tumatanggap na katalik ay nakayukod, nakatuwad at nakabaluktot na pangkaraniwang sinusuportahan ng dalawang mga kamay at dalawang mga tuhod na ang mga hita at binti ay nakabuka. Ang pinagmulan ng katawagan sa posisyong ito ay hindi nalalaman, subalit hinihinuha na isa itong pagtukoy sa unang posisyon na ginagawa ng mga aso kapag nagtatalik.

Ang paghuhukos ng gulugod sa may balakang ng babaeng mamalya, tinatawag na ugaling paghukos (lordosis behavior) o paghukos ng mamalya (mammalian lordosis) - kung saan ang pagpapalundo ng gulugod ay nagpapaturo sa tulis papunta sa harapan ng puson; at ang gulugod ay bumabaluktot na papaloob patungo sa tiyan - ay tikas o postura na isang posisyong pangpagtatatalik na erotiko, probokatibo, o nakapagpapatighaw ng damdaming seksuwal[1] at maaaring ituring bilang isang indikasyon o pahiwatig na ang isang tao ay nais makilahok sa gawaing seksuwal. Ayon sa The Joy of Sex, habang nasa ganap na paglalarong pangpagtatalik na nasa posisyong pang-aso, ang tumatanggap na katambal ay karaniwang itinuturing na nagpaparaya lamang at tahimik o sunud-sunuran at maamo.[2] Sa estilong pang-aso, ang katalik na tumatanggap ay maaaring gumawa ng sari-saring mga gawaing pangpagtatalik, na ang masiglang kapareha ay nakapagsasagawa ng penetrasyon o pagpapasok sa puki mula sa likuran, pagtatalik na pambutas ng puwit, pagtatalik na pambibig, o anilingus. Maaari ring isakatuparan ng aktibong kapareha ang masahihin o pukawin ang mga sonang erohenosa ng tumatanggap na katalik, gatulad ng mga kasangkapang pangkasarian o henitalya, mga utong, at mga pigi ng puwit, o kaya ang magsagawa ng pampaglalaro o erotikong pamamalo o paghampas sa puwitan,[3] o magpasok ng isang laruang pangpagtatalik, katulad ng dildo o pambayok, sa puki o sa butas ng puwit. Ang katagang "pagtatalik na parang katulad ng sa aso", at iba pang anyo ng pangungusap na may ganitong diwa, ay pinakamadalas na ginagamit na panturing sa pagtatalik na estilong pang-aso, na nangangahulugang pagtatalik, at partikular na ang pagtatalik na pampuki na ginagawa ng magkatambal na lalaki at babae.

Ang posisyong ito ay isinasagawa na magmula mo noong unang mga kapanahunan. Sa sinaunang Gresya, ang pagpapasok ng titi habang nasa likuran ng katalik ay isang malaganap na gawaing seksuwal. Hanggang sa mga araw na ito, ang pagtatalik na pampuwitan ay paminsan-minsang tinutukoy bilang pakikipagtalik na "Griyego" o "pakikipagtalik ayon sa nakagawian ng mga Griyego". Sa sinaunang Roma, ang posisyong pang-aso ay nakikilala bilang "pakikipagtalik ayon sa kaugalian ng mga hayop" (Latin: coitus more ferarum). Inilarawan ito sa Kama Sutra bilang posisyon ng "baka" o "ang konggreso ng isang baka" (sa diwang ito, ang "konggresso" ay may kahulugang "pagtatalik", kaya ito ay "ang pakikipagtalik ng isang baka")[4] at nakatala sa Ang Pinabanguhang Halamanan.[5]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Laura T. Coffey (Setyembre 23, 2009). "Do high heels empower or oppress women?". TODAY msnbc.com. http://today.msnbc.msn.com/id/32970817/ns/today-today_fashion_and_beauty/. 
  2. Comfort, Alex; Quilliam, Susan (2008). The Joy of Sex. London: Mitchell Beazley. ISBN 1-84533-429-9. 
  3. Rogiere, Jean, "The Little Book of Sex". Ulysses Press. 2001. ISBN 1-56975-305-9, 96 mga pahina.
  4. The Kama Sutra, ayon sa ibinigay sa Kamasutra-sex.org[patay na kawing]
  5. The Perfumed Garden of Sensual Delight, Muhammad ibn Muhammad al-Nafzawi