Aso

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Domestikong aso
Hangganan ng fossil: 0.015–0 milyong taon ang nakalilipas
Pleistoseno – Kamakailan
Yellow Labrador Retriever, ang pinaka inirerehistrong lahi noong 2009 sa AKC
Mas marami pang mga larawan ng mga aso.
Conservation status
Domesticated
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Carnivora
Pamilya: Canidae
Sari: Canis
Espesye: C. lupus
Subespesye: C. l. familiaris[1]
Pangalang trinomyal
Canis lupus familiaris[2]
Mga kasingkahulugan

Ang aso (Ingles: Dog ; Canis lupus familiaris) ay isang uri ng wangis-aso (canine), isang uri ng mamalya sa orden ng Carnivora. Ang salitang ito ay kinabibilangan ng parehong mga lagalag (feral) at mga domestikadong uri, ngunit kadalasang hindi sinasama ang canids tulad ng mga lobo. Ang mga demostikong aso ay isa sa mga pinakamaraming hayop na inaalagaan sa kasaysayan ng tao. Naging kontrobersiyal ang mga aso dahil ito ay isa ring pinagkukunan ng pagkain ng ilang kultura na kinokontra ng mga aktibistang pang-hayop.Maraming naitutulong ang mga aso sa mga tao. Ginagamit ng mga pulis at ng mga gwardya ang aso dahil matalas ang pang-amoy nito at pwede itong makaamoy ng mga bomba, mga pinagbabawal na droga at iba pa. Ginagamit din ang mga aso sa pangangaso at sa pagbabantay. Ang aso ay isa ring popular at sikat na alaga at pwede rin itong gamitin para magpasaya ng mga tao sa telebisyon at sa mga palabas, sa perya at sa mga sirkus at sa iba pa. Tinutulungan din ng mga aso ang mga taong may kapansanan lalo na ang mga bulag. Ang asong Dalmatian ay sikat na sikat dahil nakakatulong ito sa mga bumbero at marami ding mga lahi ng aso ang sikat katulad ng Golden Retriever, German Shepard, Chihuahua at Labrador Retriever. Mayroong tinatayang mga 400 na milyong mga aso sa mundo.

Pinagmulan ng aso[baguhin]

Isang lobong gray na ninuno ng mga domestikadong aso.

Ang kasalukuyang lipi ng mga aso ay dinomestika mula sa mga lobong gray(gray wolf).[3] Ayon kay Carles Vilà na nagsagawa ng pinaka-malawak na pag-aaral sa kasalukuyan, ang ebidensiya ng DNA ay nagpapakita na walang ibang ninuno ang mga aso maliban sa mga lobo. Sinuri ng pangkat ni Vilà ang 162 iba ibang mga halimbawa ng DNA ng lobo mula sa 27 populasyon sa Europa, Asya at Hilagang Amerika. Ang mga resultang ito ay kinumpara sa DNA mula sa 140 indibidwal na aso mula sa 67 breed na tinipon sa buong mundo. Gamit ang mga sampol ng dugo o buhok, ang DNA ay kinuha at ang distansiyang henetika para sa mitokondriyal na DNA ay tinantiya sa pagitan ng mga indibidwal.[4] Ang mga lobong gray ang pinakamalapit na kamag-anak ng mga aso. Ang diberhensiyang henetika sa pagitan ng mga lobong gray at aso ay 1.8% lamang salungat sa higit sa 4% sa pagitan ng mga lobong gray, mga lobong Etiopiyano at mga coyote.[5] Ang mga paghahambing na pag-aaral sa anatomiya at pag-aasal ng mga aso at lobo ay nagpapakita na ang pisiolohiya at karamihan ng pag-aasal ng aso ay katulad ng mga batang lobo na isang halimbawa ng neoteniya at pedomorpismo.[6] Bagaman ang mga labi ng mga domestikadong aso ay natagpuan sa Siberia at Belgium mula sa mga 33,000 taon ang nakalilipas, wala sa mga liping ito ay nakapagpatuloy sa huling pang-yelong maksimum. Ang pagsubok na DNA na mitokondriyal ay nagmumungkahing ng isang paghihiwalay na ebolusyonaryo sa pagitan ng mga aso at mga lobo mga 100,000 taon ang nakalilipas. Bagaman ang ebidensiya ng fossil para sa mga aso ay malaking nabawasan ng higit sa 14,000 taon ang nakalilipas at nagwawakas ng 33,000 taon ang nakalilipas, may mga fossil ng mga buto ng lobo na nauugnay sa mga sinaunang tao ng higit sa 100,000 taon ang nakalilipas.[7]

[8][9][10]

Ang mga pinakaunang mga fossil ng mga karnibora na maiiuugnay ng may ilang katiyakan sa mga canid(na kinabibilangan ng mga lobo, fox, at mga aso) ang mga hayop na Miacid na lumitaw sa panahong Eoseno mga 56 hanggang 38 milyong taon ang nakalilipas. Mula sa mga miacid ay nag-ebolb ang mga karniborang tulad ng pusa(Feloidea) at tulad ng aso(Canoidea). Ang linyang canoid ay tumungo mula sa hayop na may sukat ng coyote na tinatawag na Mesocyon na lumitaw sa panahong Oligoseno 38 hanggang 24 milyong taon ang nakalilipas tungo sa tulad ng fox na hayop na Leptocyon at tulad ng lobo hayop na Tomarctus na gumala sa Hilagang Amerika mga 10 milyong taon ang nakalilipas. [11] Ang hayop na Canis lepophagus na isang may makitid na bungo na canid sa Hilagang Amerika na lumitaw sa panahong Mioseno ay tumungo sa mga unang tunay na lobo sa wakas ng Yugtong Hilagang Amerikano na Blancan gaya ng Canis priscolatrans na nag-ebolb sa Canis etruscus at pagkatapos ay sa Canis mosbachensis[12]. Ang Canis mosbachensis ay nag-ebolb naman sa mga lobong gray(Canis lupus) na nauna sa mga domestikadong aso. Mula sa lobong gray na ito ay dinomestika ang mga domestikadong aso.

Tignan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Mammal Species of the World – Browse: Canis lupus familiaris". Bucknell.edu. 2005. http://www.bucknell.edu/MSW3/browse.asp?id=14000752. Hinango noong 12 Marso 2012. 
  2. "Mammal Species of the World – Browse: lupus". Bucknell.edu. http://www.bucknell.edu/MSW3/browse.asp?id=14000738. Hinango noong 10 Agosto 2010. 
  3. Savolainen P, Zhang YP, Luo J, Lundeberg J, Leitner T (November 2002). "Genetic evidence for an East Asian origin of domestic dogs". Science 298 (5598): 1610–3. Bibcode 2002Sci...298.1610S. doi:10.1126/science.1073906. PMID 12446907. 
  4. Vila, C.; Peter Savolainen; Jesus E. Maldonado; John E. Rice; Rodney L. Honeycutt (13 Hunyo 1997). "Multiple and ancient origins of the domestic dog". Science 276 (5319): 1687. doi:10.1126/science.276.5319.1687. PMID 9180076. Archived from the original noong 2007-09-26. http://web.archive.org/web/20070926223204/http://www.idir.net/~wolf2dog/wayne1.htm. 
  5. Mech & Boitani 2003, p. 225
  6. Hemmer 1990, p. 83
  7. "Humans live a dog's life". abc.net.au. 26 Marso 2002. http://www.abc.net.au/science/articles/2002/03/26/513072.htm. Hinango noong 2007-04-07. 
  8. Germonpré, Mietje; Sablin, Mikhail V.; Stevens, Rhiannon E.; Hedges, Robert E.M.; Hofreiter, Michael; Stiller, Mathias; Després, Viviane R. (2009). "Fossil dogs and wolves from Palaeolithic sites in Belgium, the Ukraine and Russia: osteometry, ancient DNA and stable isotopes". Journal of Archaeological Science 36 (2): 473. doi:10.1016/j.jas.2008.09.033. 
  9. Ovodov, Nikolai D.; Crockford, Susan J.; Kuzmin, Yaroslav V.; Higham, Thomas F. G.; Hodgins, Gregory W. L.; van der Plicht, Johannes (2012). "A 33,000-year-old incipient dog from the Altai Mountains of Siberia: Evidence of the earliest domestication disrupted by the Last Glacial Maximum". PLoS ONE 6 (7): e22821. doi:10.1371/journal.pone.0022821. . PMID 21829526. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=3145761. 
  10. Pionnier-Capitan M, Bemilli C, Bodu P, Célérier G, Ferrié J-G, Fosse P, Garcià M, and Vigne J-D (2011). "New evidence for Upper Palaeolithic small domestic dogs in South-Western Europe". Journal of Archaeological Science 38 (9): 2123. doi:10.1016/j.jas.2011.02.028. 
  11. Brewer, Douglas J.; Terence, Sir Clark, Adrian Phillips (March 2002). DOGS IN ANTIQUITY Anubis to Cerberus: The Origins of the Domestic Dog. Aris & Phillips (Marso 2002). ISBN 978-0-85668-704-4. http://www.arisandphillips.com/ap/Anubis.html. 
  12. Mech & Boitani 2003, pp. 239–45