Oligoseno

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sistema Serye Yugto Edad (Ma)
Neohene Mioseno Aquitanian mas bata
Paleohene Oligoseno Chattian 23.03–28.4
Rupelian 28.4–33.9
Eoseno Priabonian 33.9–37.2
Bartonian 37.2–40.4
Lutetian 40.4–48.6
Ypresian 48.6–55.8
Paleoseno Thanetian 55.8–58.7
Selandian 58.7–61.7
Danian 61.7–65.5
Kretaseyoso Itaas Maastrichtian mas matanda
Subdivision of the Paleogene Period according to the IUGS, as of July 2009.

Ang Oligoseno (Ingles: Oligocene at may simbolong OG[1]) ay isang epoch na heolohika ng panahong Paleohene at sumasaklaw mula mga 34 milyon hanggang 23 milyon bago ang kasalukuyan (33.9±0.1 hanggang 23.03±0.05 Ma). Gaya ng ibang mas matandang mga panahong heolohiko, ang mga strata o kama ng bato na naglalarawan ng panahong ito ay mahusay na natukoy ngunit ang mga ekasktong petsa ng simula at waka ng panahong ay katamtamang hindi matiyak. Ang pangalang Oligocene ay mula sa Griyegon ὀλίγος (oligos, ilan) at καινός (kainos, bago) at tumutukoy sa pagiging kalat ng mga karagdagang modernong mga espesye ng mamalya ng fauna pagkatapos ng ebolusyon sa panahong Eoseno. Ang Oligoseno ay sumusunod sa epoch na Eoseno at sinundan ng epoch na Mioseno. Ang Oligoseno ang ikatlo at huling epoch ng Panahong Paleohene. Ang Oligoseno ay kadalasang itinuturing na isang mahalagang panahon ng transiyon na isang ugnayan sa pagitan ng sinaunang daigdig ng tropikong Eoseno at ang mas modernong mga ekosistema ng Mioseno.[2] Ang mga pangunahing pagbabago sa Oligoseno ay kinabibilangan ng isang pandaigdigang paglawak ng mga lupaing damo at isang pag-urong ng tropikong maluwag na dahong mga kagubatan tungo sa sinturong pang ekwador. Ang simula ng Oligoseno ay minamarkahan ng isang kilalang pangyayaring ekstinksiyon na pagpapalit ng faunang Europeo ng faunang Asyano maliban sa endemikong mga pamilyang [[roden] at marsupyal na tinatawag na Grande Coupure. Ang hangganang Oligoseno-Mioseno ay hindi nakatakda sa isang madaling matukoy na pandaigdigang pangyayari ngunit sa mga hangganang pang-rehiyon sa pagitan ng katamtamang init na Huling Oligoseno at ang relatibong mas malamig na Mioseno.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Geologic Age Symbol Font (StratagemAge)". USGS. 99-430. http://pubs.usgs.gov/of/1999/of99-430/of99-430_sec38.pdf. Hinango noong 2011-06-22. 
  2. Haines, Tim; Walking with Beasts: A Prehistoric Safari, (New York: Dorling Kindersley Publishing, Inc., 1999)