Paleohene

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Panahong Paleohene
65.5–23.03 milyong taon ang nakalilipas
Pg
Mean na atmosperikong nilalamang O2sa loob ng tagal ng panahon ca. 26 Bolyum %[1]
(130 % ng modernong lebel)
Mean na atmosperikong nilalamang CO2 sa tagal ng panahon ca. 500 ppm[2]
(2 mga beses sa lebel na pre industriyal)
Mean na temperatura ng surpasyo(ibabaw) sa loob ng tagal ng panahon ca. 18 °C[3]
(4 °C na higit sa modernong lebel)


Ang Paleohene (Ingles: Paleogene) (alternatibong Ingles na Briton na Palaeogene o Palæogene at impormal na Mas Mababang Tersiyaryo) ay isang panahong heolohiko na sumasaklaw sa 65.5 milyong taon ang nakalilipas hanggang 23.03 milyong taon ang nakalilipas.[4] Ito ay tumagal nang 42 milyong taon at pinakakilala bilang panahon kung saan ang mga mamalya ay nag-ebolb mula sa isang relatibong maliliit at mga simpleng anyo tungo sa malaking pangkat ng dibersong mga hayop kasunod ng pangyayaring ekstinksiyon na Cretaceous-Paleogene na nagwakas sa naunang panahong Cretaceous. Ang mga ibon ay labis ring nag-ebolb sa panahong ito na nagbago sa tinatayang modernong anyo nito. Ang panahong ito ay binubuo ng mga epoch na Paleocene, Eocene, at Oligocene. Ang huli nang Paleocene (55.5/54.8 Mya) ay minarkahan ng isa sa pinaka mahalagang mga panahon ng pagbabago sa daigdig sa Cenozoiko na thermal na maksium na Paleone-Eocene na gumulo sa sirkulasyong atmosperiko at pang-karagatan at tumungo sa ekstinksiyon ng maraming mga malalim na dagat na bentikong foraminifera at sa lupain ay isang malaking pagbaliktad sa mga mamalya. Ang Paleogene ay sumunod sa Cretaceous at sinundan ng epoch na Miocene at Neogene. Ang mga terminong 'sistemang Paleogene'(pormal) at 'mas mababang sistemang tersiyaryo'(inpormal) ay nilalapat sa mga batong nadeposito sa panahong Paleogene. Ang medyo nakalilitong terminolohiya ay tila sanhi ng mga pagtatangka na makitungo sa komparatibong mahusay na mga subdibisyon ng panahon na posible sa relatibong kamakailang nakaraang heolohiko nang ang mas maraming impormasyon ay naingatan. Sa paghahati ng panahong Tersiyaryo sa dalawang mga panahon kesa sa limang mga epoch, ang mga panahon ay mas malapit na maihahambing sa tagal ng mga panahon sa mga era na Mesozoiko at Paleozoiko.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Image:Sauerstoffgehalt-1000mj.svg
  2. Image:Phanerozoic Carbon Dioxide.png
  3. Image:All palaeotemps.png
  4. Formerly the period covered by the Paleogene was called the first part of the Tertiary, whose usage is no longer official. "Whatever happened to the Tertiary and Quaternary?"
Pinangunahan ng Eon na Proterosoiko 542 Ma - Eon na Panerosoiko - Kasalukuyan
542 Ma - Era na Paleosoiko - 251 Ma 251 Ma - Era na Mesosoiko - 65 Ma 65 Ma - Era na Cenosoiko - Kasalukuyan
Kambriyano Ordobisiyano Siluriyano Deboniyano Karboniperoso Permiyano Triasiko Hurasiko Kretaseyoso Paleohene Neohene Kwaternaryo