Paint.NET

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Paint.NET
PaintDotNETv3 35 Screenshot.png
Paint.NET bersyong v3.35
Tagapagpaunlad: dotPDN, LLC
Pinakabagong bersyon: 3.35
OS: Microsoft Windows (XP, 2003, Vista)
Mga wika: Iba't-iba
Gamit: Raster graphics editor
Lisensiya: Lisensyang MIT
Websayt: www.GetPaint.NET

Ang Paint.NET ay isang raster graphics editor para sa Microsoft Windows, at idinebelop sa .NET Framework. Ginawa ito ng mga estudyante sa Washington State University bilang isang proyekto. Lumaki ang Paint.NET mula sa simpleng pampalit lamang sa Microsoft Paint, na kasama sa Microsoft Windows, hanggang sa isang programa na may kakayahan sa layers, blending, transparency, plugins at iba pa. Karaniwan itong ginagamait bilang libreng alternatibo sa Adobe Photoshop. Ito ay makukuha sa ilalim ng lisensyong MIT. [1]

Kasaysayan[baguhin]

Nagsimula ang Paint.NET bilang isang proyekto ng mga estudyante sa ika-apat na taon sa kolehiyo ng computer science noong 2004 sa Washington State University. Ang bersyon 1.0 ay may 36,000 linya ng coding at isinulat sa loob ng labing-limang linggo. Sa ngayon naman, ang bersyon 3.35 naman ay may 162,000 linya ng coding.

Tuloy parin ang debelopment ng programa ng dalawang debelopers na ngayon ay nagtatrabaho na sa Microsoft. Na-dawnlowd na ang Paint.NET ng 2 milyong beses noong May 2006[2] sa bilis na 180,000 kada buwan.[3]

Mga pangagailangang pansistema[baguhin]

Pinakamababa
OS
Windows XP (SP2 o mas bago), Vista,
Processor
500 MHz o mas mataas
RAM
256 MB (Rekomendado: 512 MB or more)
Libreng Puwang sa hard drive
200 MB[4]
Software Component
.NET Framework 2.0

Sanggunian[baguhin]