Palaupong pamumuhay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Huwag itong ikalito sa salitang pangmedisinang sedentismo.

Ang palaupong pamumuhay o sedentaryong gawi sa pamumuhay[1][2] (Ingles: sedentary lifestyle) ay isang salitang pangmedisinang ginagamit upang tukuyin ang uri ng pamumuhay o estilo sa pamumuhay na wala o iregular na gawaing pangkatawan.[3] Pangkaraniwan itong natatagpuan kapwa sa maunlad at umuunlad na mga bansa at kinatatangian ng pag-upo, pagbabasa, panonood na telebisyon, at paggamit ng kompyuter sa karamihang bahagi ng isang araw na may kaunti o walang masiglang ehersisyong pangkatawan. Nalalamang nakakapag-ambag ito sa pagiging masyadong mataba[4][5] at karamdamang kardyobaskular.[6][7] Natuklasang nakapagpapataas ang palaupong pamumuhay sa dami ng bilang ng mga namamatay na matatandang mga lalaki at nakakapagdoble ng panganib sa matatandang mga babae.[8]

Bukod sa kahulugang "palaupo", ang salitang sedentaryo ay may ibig sabihin ding "hindi paladayo", "nanatili sa isang lugar", at "hindi pagalagala".[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L.. "Sedentary". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Sedentary, palaupo, bansa.org
  3. "Prevalence of Sedentary Lifestyle". Centers for Disease Control and Prevention. 1991. http://www.cdc.gov/mmwr/preview/mmwrhtml/00021313.htm. Hinango noong Enero 24, 2010. 
  4. "Obesity and Overweight for Professionals: Causes". Centers for Disease Control and Prevention. http://www.cdc.gov/obesity/causes/index.html. Hinango noong Enero 19, 2010. 
  5. "Overweight and Obesity: What You Can Do". Tanggapan ng Maninistis-Panglahat ng Estados Unidos. http://www.surgeongeneral.gov/topics/obesity/calltoaction/fact_whatcanyoudo.html. Hinango noong Enero 19, 2010. 
  6. "Risk Factors for Cardiovascular Diseases". Kagawaran ng mga Ugnayang Pangbeterano ng Estados Unidos. http://www.google.com/url?sa=t&source=web&ct=res&cd=35&ved=0CCAQFjAEOB4&url=http%3A%2F%2Faging.senate.gov%2Faward%2Fvet2.pdf&ei=_UZaS6iuDIXANrWFpIQP&usg=AFQjCNEAKMjvwS0FtW5z3i5NkKouMtYnwg. Hinango noong Enero 22, 2010. 
  7. "Physical inactivity a leading cause of disease and disability, warns WHO". Organisasyon ng Kalusugang Pandaigdig. http://www.who.int/mediacentre/news/releases/release23/en/index.html. Hinango noong Enero 23, 2010. 
  8. Flicker, Leon; McCaul, Kieran A.; Hankey, Graeme J.; Jamrozik, Konrad; Brown, Wendy J.; Byles, Julie E.; Almeida, Osvaldo P. (Enero 27, 2010). "Body Mass Index and Survival in Men and Women Aged 70 to 75". Journal of the American Geriatrics Society (John Wiley & Sons) 58 (2): 234 - 241. http://www3.interscience.wiley.com/journal/123265340/abstract. Hinango noong Enero 29, 2010. 


Buhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Buhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.