Pambobomba sa Baghdad noong 8 Disyembre 2009

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pambobomba sa Baghdad noong 8 Disyembre 2009
Lokasyon Baghdad, Iraq
Petsa 8 Disyembre 2009
10.30am – (UTC+3)
Uri ng paglusob Car bombs
(Mga) namatay 127+
(Mga) nasugatan 440+
Hinihinalang (mga) salarin Al-Qaeda in Iraq[1]
Baath Party[2]

Ang Pambobomba sa Baghdad noong 8 Disyembre 2009 ay mga pag-atake sa Baghdad, Irak na kumitil nang hindi bababa sa 127 katao at nang 448 pang sugatan.[1] Ang pag-atake ay kinondena ng iba't-ibang bansa bilang isang terorismo,[1][3] ilang elemento sa politika ng Irak ang nagsabing ang mga pag-atake ay dahil sa korapsiyon sa loob ng Pwersa ng Seguridad ng Irak at ang kawalan umanong kontrolin ng Punong Ministro, Nouri al-Maliki ang nasabing insidente.[4]

Pag-atake[baguhin]

Naganap ang pag-atake umaga nang 8 Disyembre 2009 tinatayang mga 10.30 ng umaga. Naiulat ng mga mamamayan doon na hindi bababa sa tatlong magkakasunod ang pagsabog at mayroon pang sumunod na dalawa. Kinahapunan iniulat ng mga opisyal ang limang pagsabog sa lugar. Pinaniniwalaang planado ang mga pag-atake, at ayon sa mga opisyal hindi bababa sa 127 katao ang namatay at 200 pa ang pinaniniwalaang nasugatan,[4][5] Inaasahan pang tataas ang nasabing bilang sa pagdaan ng mga oras.[5]

Pinaniniwalaang ang mga gusali ng pamahalaan ang puntirya ng pagpapasabog ayon na rin sa ipinapahiwatig ng mga nasunog na sasakyan sa labas ng mga Ministeryo ng Pananalapi, Ugnayang panlabas, at Katarungan.[6] Isa sa mga pag-atake ay gawa ng isang suicide bomber na ang puntirya ay isang patrol ng pulisya, nagdulot ang pag-atakeng iyon ng pagkasugat ng ibang tao sa kalapit na kolehiyo sa Dora.[7] Pinaghihinalan ang iba pang mga bomba ay pinasabog gamit ang orasan o remote.[4]

Ang pag-atake ang itinuturing na pinakamapaminsala simula noong Pambobomba sa Baghdad noong 25 Oktubre 2009, na kumitil ng 155 katao at nag-iwan ng 500 sugatan.[1]

Kinalabasan[baguhin]

Dahil mabilis ang sunod-sunod na pagsabog hindi na napigilan ng mga pwersa ng seguridad ang dulot nitong pinsala.[8] Subalit sinabi naman ng ilang pinuno ng oposisyong partido sa Irak na maaaring ang mga pag-atake ay dahil sa korbap na mga opisyal ng pwersa ng seguridad at inakusahan pa nila na hindi kayang kontrolin nang Punong Ministro na si Mr Maliki ang insidente.[4] Binatikos naman ni Colonel Ahmed Khalifa ng Hukbo ng Irak ang mga guwardiya dahil isa umano itong "malinaw na kapabayaan at katamaran."[9]

Dahil sa pakiramdam nila ay hindi nila kayang hawakan ang kinalabasan ng mga pag-atake humingi na ng tulong ang pwersa ng seguridad ng Irak sa pwersa ng Amerika, na siyang namahala sa mga gawaing forensic at pamamahala ng mga tao,[9] gayundin ang pagdadala ng mga nakaligtas sa ospital.[8]

Mga reaksiyon[baguhin]

Kinondena ng ibang bansa ang pag-atake at nagpahatid na ng pakikiramay ang E.U. at Nagkakaisang Kaharian, gayundin ang Jordan. Pinaniniwalaang ang mga pag-atake ay gawa ng Al-Qaeda para maliitin ang nangyaring halalan[kailangan ng sanggunian], kahit pa wala pang umaako ng responsibilidad sa pangyayari.

Watawat ng Iraq Iraq: Sinabi ni Nouri al-Maliki, Punong Ministro ng Irak, na ang mga pag-atake ay pagtatangkang "hadlangan ang halalan" at magdulot ng kaguluhan.[2] Sinisi naman ni Mowaffaq al-Rubaie, Pambansang Tagapayo ng Seguridad ng Irak, ang Al-Qaeda at sinabing: "Layuning [nila] maipakita na hindi kayang protektahan ng pamahalaan ang mga sibilyan at ang mga mamamayan gayundin ang pagpigil sa mga tao na magtungo sa halalan."[1] Al-Qaeda rin ang sinisisi ni Major General Qassim Atta.[2]

Subalit sinabi naman ng ilang pinuno ng oposisyong partido sa Irak na maaaring ang mga pag-atake ay dahil sa korbap na mga opisyal ng pwersa ng seguridad at inakusahan pa nila na hindi kayang kontrolin nang Punong Ministro na si Mr Maliki ang insidente.[4] Binatikos naman ni Colonel Ahmed Khalifa ng Hukbo ng Irak ang mga guwardiya dahil isa umano itong "malinaw na kapabayaan at katamaran."[9]

Flag of the United Kingdom United Kingdom: Sinabi ng isang tagapagsalita ni Punong Ministro ng Britanya, Gordon Brown, na ang "tunay na pagbabago" ay ginawa sa seguridad at politika ng Irak, at "ang mga naghahangad ng para maliitin ang gawaing ito ay hindi magtatagumpay".[1] Nagpahayag naman ng pagsuporta ang Kalihim ng Panlabas na si David Miliband sa mga opisyal ng Irak laban sa mga gawain nila laban sa terorismo at sinabing nakikiisa siya sa mga naapektuhan ng pangyayari. Idinagdag pa niya na ipinapakita ng mga politiko at mga mamamayan ang matinding determinasyon na magkaroon ng demokratikong pamahalaan.[3]

Flag of the United States Estados Unidos: Kinondena ni Robert Gibbs, tagapagsalita ng Puting Tahanan ang mga pag-atake, at nagkomentong nagpapakita lamang ang ito na mayroong natatakot sa katotohanang ang Irak "ay gumagalaw na sa tamang landas".[1]

Watawat ng Jordan Jordan: Kinondena ni Haring Abdullah II ang pag-atake bilang terorismo. Nagpaabot na siya ng pakikiramay kay Pangulo ng Irak Jalal Talabani.[10]

Tingnan rin[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Baghdad car bombs cause carnage". BBC News. http://news.bbc.co.uk/1/hi/world/middle_east/8400865.stm. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  2. 2.0 2.1 2.2 "Baghdad bomb blasts leave 127 dead". Sydney Morning Herald. http://news.smh.com.au/breaking-news-world/baghdad-bomb-blasts-leave-127-dead-20091209-khwz.html. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  3. 3.0 3.1 "Britain condemns Baghdad bombings". xinhuanet. http://news.xinhuanet.com/english/2009-12/09/content_12614005.htm. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 "More than 120 killed in Baghdad bombings". Telegraph. http://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/middleeast/iraq/6761792/More-than-120-killed-in-Baghdad-bombings.html. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  5. 5.0 5.1 "Scores Killed as Blasts Shake Baghdad". The Wall Street Journal. http://online.wsj.com/article/SB126025979660281539.html?mod=WSJ_hpp_LEFTTopStories. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  6. "Car bombings in Baghdad leave 101 dead". The money times. http://www.themoneytimes.com/featured/20091208/car-bombings-baghdad-leave-101-dead-id-1093460.html. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  7. "Car-Bombs Kill Over 100, Wound Dozens in Baghdad". Voa news. http://www1.voanews.com/english/news/middle-east/Baghdad-Rocked-By-Multiple-Car-Bombings-78752532.html. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  8. 8.0 8.1 "Baghdad blasts claim lives of more than one hundred people". Thaindian. http://www.thaindian.com/newsportal/world/baghdad-blasts-claim-life-of-more-than-one-hundred-people_100286241.html. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  9. 9.0 9.1 9.2 "Iraq insurgents try to blast elections off course". Times online. http://www.timesonline.co.uk/tol/news/world/iraq/article6949177.ece. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. 
  10. "Jordan's king condemns Baghdad bombings". Monsters and Critics. http://www.monstersandcritics.com/news/middleeast/news/article_1517754.php/Jordan-s-king-condemns-Baghdad-bombings. Nakuha noong 08 Disyembre 2009.