Pandemya ng trangkaso ng 2009

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang mga bansang kulay itim ay mga bansa na nakapagtala na ng kamatayan dahil sa sakit na ito, ang pula naman ay may kumpirmado na ng naapektohan ng H1N1 at ang dilaw naman ang hindi pa kumpirmado.

Ang pandemyang Influenza A (H1N1) ay isang epidemya ng isang bagong katangian ng bayrus pang-trangkaso na natuklasan lamang noong Abril 2009, kilala ito bilang "trangkasong baboy". Ang pinagmulan ng pagkalat nito sa mga tao ay hindi pa rin nalalaman. Ang mga kasong unang natuklasan sa E.U. at ang mga opisyales ay nagsuspetya na may kaugnayan ang pangyayaring ito sa mga naunang pagsilakbo ng sakit na katulad ng trangkaso sa Mehiko. Ilang araw ang lumipas at daang-daang kaso ang naitala sa Mehiko, ilan sa mga kasong ito ay malala, pati na rin ang E.U. ay nakapagtala ng mga kaso at ilang pang mga bansa sa hilagang kalahati ng mundo. Hindi nagtagal mula noon, ang S.P.K. ng U.N., kasama ang C.D.C ng E.U. ay nagpahayag na ang A(H1N1) ay maaring maging pandaigdigang sakit, at ang S.P.K. ay itinaas na sa "Ika-5 Antas" na hanggang anim ang kahandaan para sa naturing na sakit, bilang "signal that a pandemic is at the imminent level".

Kahit na ang mga virologists ang nagsasabing ang sakuna ay malumanay at mas malubha ang mga naunang sakuna kaysa dito[1], may ilang opisyales para sa kalusugan, kabilang ang direktor ng C.D.C. na si Richard Besser, ay nag-aalala sa maaring mangyari sa mga susunod na taon, na nagsasabing "we are not seeing any sign of this petering out. We are still on the upswing of the epidemic curve. The number of cases is expected to rise as the new flu spreads across the country."[2] Kung susuriin pa, maraming eksperto ay nababahala dahil ang bagong bayrus ay maaring lumala at mag-bago sa mga darating na buwan, na maaring magdulot ng mas delikado at mas malawakang pagsilakbo ng bayrus sa mga susunod na taon.

Ang bagong sakit ay nag-mimistulang magkahalo ng apat na klase ng Bayrus trangkaso A subtipo H1N1.[3] Ang mga pagsusuri sa C.D.C. ay kinilala ang apat na magkakaibang uri ng bayrus bilang isa sa trangkasong pantao, isa sa trangkasong pang-ibon, at dalawa sa trangkasong ng baboy.[3] Pero, ang ibang siyentipiko ay nagsabi na ang pagkakasuri sa mga kaurian ng trangkasong ng baboy ng 2009 (A/H1N1) ang nagpapatunay na lahat ng bahagi ng RNA ay mula sa pinagmumulan ng trangkaso ng baboy,[4] at "this preliminary analysis suggests at least two swine ancestors to the current H1N1, one of them related to the triple reassortant viruses isolated in North America in 1998."[5] May trangkaso ng baboy na mula sa mga ninuno ay laganap sa Estados Unidos, at yung isa sa Euro-Asya.[3]

Kasaysayan ng konteksto[baguhin]

Ang taunang pagkakaroon ng trangkaso ay tinatayang nakakaapekto ng 5–15% ng populasyon sa daigdig, na nagreresulta ng malalalang sakit sa 3-5 milyong tao at nagdudulot ng pagkamatay ng 250,000–500,000 katao sa mundo. Sa mga industrialisadong bansa nagkakaroon lang ng malalang sakit at kamatayan dulot ng trangkaso sa mga matataong lugar at higit na naapektohan ang mga sanggol, matatanda, at mga sakiting tao.[6]

Bukod sa mga taunang epidemya ito, ang bayrus na Influenza A ay nagdulot ng pandaigdigang pagkalat ng sakit noong ika-20 na siglo: Ang trangkasong Hispano noong 1918, trangkaso sa Asya noong 1957 at ang trangkasong Hongkong noong 1968-69. Ang mga sakit na ito ay mula sa bayrus na Influenza A na sumailalim sa malaking prosesong pagbabago na pang-genetiko, dahil sa hindi pagkakaroon ng immunidad sa bayrus.[6][7] Ang kabuuan ng mga detalye sa mga sakunang ito ay nakabuod sa ibaba.

20th century Flu pandemics
Panademya Taon A (H1N1)
subtipo
Taong naiimpektohan
(tinataya)
Namamatay
(tinataya)
Namamatay ayon sa pursyento
Panademya ng 1918 1918–19 H1N1[8] 1 bilyon 50 - 60 milyon[9] >2.5%[10]
Panademya ng 2009 2009 H1N1 302,000 Humigit sa 788 (simula ng Hunyo ng 2009) 0.4% tinataya (mga nasa 0.3%-1.5%)[11]
Trangkaso ng Asya 1957 H2N2[8] 2 milyon[9] <0.1%[10]
Trangkaso ng Hongkong 1968–69 H3N2[8] 1 milyon[9] <0.1%[10]
Taunang trangkaso Bawat taon Karaniwan ang mga A/H3N2, A/H1N1, at B 5-15% (340 milyon - 1 bilyon)[12] 250,000-500,000[12] <0.05%
      Hindi isang panademya

Ang bayrus ng trangkaso ay nagdulot na rin ng banta sa mga nakaraang siglo, na kinabibilangan ng pseudo-pandemic ng 1947, ang pagsilakbo ng trangkasong ng baboy ng 1976 at ang trangkasong Rasya ng 1977, na dinulot ng isang uri ng H1N1.[7] Ang mundo ay naging mas alerto simula ng similakbo ang SARS sa Timog-silangang Asya (ito ay idinulot ng SARS coronavirus).[13] Ang pagiging alerto ay mas pinalawak pa at nasustinahan dahil sa pagdating ng pagsilakbo trangkaso ng ibon (H5N1) dahil sa mataas na nakamamatay na uri ng H5N1, kahit ang sakit ay karaniwan at limitado ang hawaang tao sa tao.[8][14]

Pagkalat ayon sa mga bansa[baguhin]

Isang semi-logarithmic na tsart ng nakumpirmado na ng laboratoryo na kaso ng trangkaso base sa ulat ng S.P.K.[15]

Pagsilakbo sa E.U. at Mehiko[baguhin]

E.U.

Ang lugar at ang hayop na pinagmulan ng sakit ay hindi pa rin natutuklasan.[16][17] Inimumungkahi ng mga pagsusuri ang sakunang H1N1 na responsable sa naturing na pagsilakbo ay unang lumala noong Septiyembre 2008 ay lumaganap na masa ng ilang buwan bago maitala ang unang kaso.[16][18][19]

Ang bagong sakuna ay unang nadiskubre nang suriin ang dalawang bata ng C.D.C., una noong ika-14 ng Abril sa Kondehan ng San Diego, Kaliporniya at ilang araw ang nakalipas sa kalapit na Kondehan ng Imperial, Kalipornya.[20] Wala man lang kahit isa sa mga bata ay may direktang kaugnayan sa baboy.[20]

Mehiko

Ang unang kaso ay naitala sa Lungsod ng Mehiko, kung saan ang mga kamerang nagmamanman ay nakapansin ng sakit na katulad ng trangkaso (o I.L.I.) na nagsimula noong ika-18 ng Marso.[21] Ang pagsilakbo ay inakala lamang bilang "late-season flu" ng mga aworidad na Mehikano (at nagkataon nga naman na ikinalito ito sa bayrus pang-trangkaso B)[22] hanggang ika-21 ng Abril,[23][24] nang ang Centers for Disease Control and Prevention ng E.U. ay naalerto at nabahala sa dalawang kaso ng trangkaso ng baboy na iniulat sa midya.[25] Ang ilang mga muwestra ay ipinadala sa kampong C.D.C. ng E.U. noong ika-18 ng Abril.[26] Ang mga kaso sa Mehiko ay nakumpirma ng C.D.C. at ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan bilang bagong sakuna ng H1N1.[21][27]

May mga kaso rin ang naitala sa mga estado ng San Luis Potosí, Hidalgo, Querétaro at Estado ng México.[28] Ang Ministro sa Kalusogan ng Mehiko na si José Ángel Córdova ay nagsabi na "We’re dealing with a new flu virus that constitutes a respiratory epidemic that so far is controllable."[28]

Sitwasyon sa mga piling bansa[baguhin]

Trangkaso
Flu und legende color c.jpg
Mehiko

Noong ika-21 ng Mayo, may lathain ang Associated Press na nagsasabing ang sekretarya ng kagawaran ng kalusugan sa Mehiko ay nagsabi na walang na-ospital na may karamdaman sa baga sa mga nakaraang tatlong araw, at walang kaso ng trangkaso na naitala simula noong ika-14 ng Mayo. "We are seeing a 96.1 percent drop in cases, and that's why we are dropping the alert level to green today", sabi ni Ahued.[29]

Estados Unidos

Ang sakit ay kumalat sa 47 mga estado at sa Distrito ng Kolumbya; gayunpaman, sa humigit 5,000 katao o maaring maging kaso ng ika-20 ng Mayo, 9 lang ang namatay.[30] Sa pagtatagubilin noong ika-30 ng Mayo, si Dr. Daniel Jernigan ng C.D.C. ay nagsasabing 247 ang naospital dahil sa trangkaso ng baboy, humigit sa 70% ay may iba pang talamak na kondisyon—pagbubuntis, hika, at may karamdaman sa puso.[31]

Lungsod ng Bagong York

Noong ika-21 ng Mayo, ang New York State Department of Health ay nagsasabi na 333 sa mga nakumpirmado ng laboratoryo na may kaso sa estado, 227 ay mula sa Lungsod ng Bagong York.[32]

Houston

Ang Houston Chronicle ay may lathaing nilikha noong ika-21 ng Mayo na nagsasabing: "Houston's largest concentration of swine flu cases has grown by one to 25 at Travis Elementary, although the city's health department said the latest case actually was part of the cluster of illnesses that caused the school to shut down last week. . . . As of Wednesday there had been 121 confirmed cases of the disease in the Houston area, according to the city."[33]

Britanya

May lathain ang AP na nilikha noong ika-21 ng Mayo na nagsasabing: "British health authorities have confirmed three new cases of swine flu, bringing the country's total to 112. The Health Protection Agency said Thursday May 21 2009 that the new cases are all children living in the West Midlands. The children had all recently returned from an affected area in the U.S."[34]

Hapon

May lathain ang Time/CNN na nilikha noong ika-21 ng Mayo na nagsasabing: "The Japanese government on Wednesday confirmed the first two cases of the disease in Tokyo, the world's most populous metropolitan area. Meanwhile, the number of Japanese who have contracted the new flu has more than doubled since May 18 from 130 to 279, a rate of increase that is "without a doubt" the highest in Asia, says Peter Cordingley, regional spokesman for the World Health Organization."[35] Ayon kay Asahi Shinbun, ang pinaka-apektadong rehiyon ay ang mga prepektura ng Hyogo at ng Osaka.

Pilipinas


Ang panademya ng trangkasong baboy sa Pilipinas ay nag-umpisa ng ika-21 ng Mayo nang ang Pilipinang batang babae ay nahawaan ng A (H1N1) noong nasa Estados Unidos. Sa mga sumunod na araw, nagkaroon ng ilang lokal na kaso sa Zambales nang may dalawang babaeng Taywanis na sumipot sa kasalan at nanghawa ng ilang katao. Sabi ni Duque na "The DOH confirms today the first case of A(H1N1) in the Philippines. She is a female traveler who arrived in the country on May 18 from the United States, whose throat specimen tested positive based on results from the Research Institute for Tropical Medicine."[36]

Pandaigdigang pag-tugon[baguhin]

Wastong petsa ng pagsilakbo[baguhin]

Ang pagsilakbo ay nagkaroon ng patuloy na pansin ng mga midya. Ang mga epidemiyolohiya ay nagbabala na ang mga naunang kaso ay pwedeng mapanlinlang dahil sa mga pinaghininalaang pinangalingan, ilan sa mga pagpipilian ay ang inklinasyon, inklinasyong midya, at ang mga maling ulat ng pamahalaan.[38] Ang mga pangyayaring ito ay pwede rin dinulot ng mga awtoridad sa iba't ibang bansa na ang ginagawang panumbas ay ang mga kaibahan ng populasyon, na ang karamihan ay mahirap, na pwede na rin ipaliwanag ang mataas na bilang ng nasasawi sa bansa tulad ng Mehiko.[38]

Sipian[baguhin]

  1. Kaplan, Karen; Alan Zarembo (30). "Scientists see this flu strain as relatively mild" (sa Ingles). latimes.com. pp. 2. http://www.latimes.com/features/health/la-sci-swine-reality30-2009apr30,0,3606923.story. Hinango noong 2009-05-15. 
  2. [|DeNoon, Daniel] (7). "Swine Flu Spreads, Fall Flu Season Looms" (sa Ingles). webmd.com. pp. 2. http://www.webmd.com/cold-and-flu/news/20090507/swine-flu-spreads-fall-flu-season-looms. Hinango noong 2009-05-15. 
  3. 3.0 3.1 3.2 [|MacKenzie, Debora] (28). "Deadly new flu virus in US and Mexico may go pandemic" (sa Ingles). webcitation.org. pp. 1. http://www.webcitation.org/5gNd9HTT9. Hinango noong 2009-05-16. 
  4. Rabadan, Raul (28). "INFLUENZA A (H1N1) "SWINE FLU": WORLDWIDE (04)" (sa Ingles). promedmail.org. pp. 1. http://www.promedmail.org/pls/otn/f?p=2400:1001:4236182472951842::NO::F2400_P1001_BACK_PAGE,F2400_P1001_PUB_MAIL_ID:1010,77250. Hinango noong 2009-05-16. 
  5. V. Trifonov, H. Khiabanian, B. Greenbaum, R. Rabadan (30). "The origin of the recent swine influenza A(H1N1) virus infecting humans" (sa Ingles). promedmail.org. pp. 1. http://www.eurosurveillance.org/ViewArticle.aspx?ArticleId=19193. Hinango noong 2009-05-16. 
  6. 6.0 6.1 Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan (Marso 2003). "Influenza" (sa Ingles). S.P.K.. pp. 1. http://www.who.int/mediacentre/factsheets/2003/fs211/en/. Hinango noong 2009-05-16. 
  7. 7.0 7.1 Kilbourne, Edwin (Enero 2006). "Influenza Pandemics of the 20th Century" (sa Ingles). cdc.gov. pp. 1. http://www.cdc.gov/ncidod/EID/vol12no01/05-1254.htm. Hinango noong 2009-05-16. 
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 Hsieh, Yu-Chia; et al. (January 2006). "Influenza pandemics: past present and future". Journal of the Formosan Medical Association 105 (1): 1–6. http://ajws.elsevier.com/ajws_archive/200611051A1086.pdf. 
  9. 9.0 9.1 9.2 "Ten things you need to know about pandemic influenza". World Health Organization. 14 October 2005. Archived from the original noong 16 October 2005. http://web.archive.org/20051016015026/www.who.int/csr/disease/influenza/pandemic10things/en/index.html. 
  10. 10.0 10.1 10.2 Taubenberger JK; Morens DM (January 2006). "1918 influenza: the mother of all pandemics". Emerging Infectious Diseases (Centers for Disease Control and Prevention) 12 (1). http://www.cdc.gov/ncidod/eid/vol12no01/05-0979.htm. 
  11. Fraser, Christophe; et al. (May 2009). "Pandemic Potential of a Strain of Influenza A (H1N1)" (PDF). Science. http://www.sciencemag.org/cgi/rapidpdf/1176062v2.pdf. 
  12. 12.0 12.1 "WHO Europe - Influenza". World Health Organization. June 2009. http://www.euro.who.int/influenza. Hinango noong 2009-06-12. 
  13. [|Brown, David] (30). "System Set Up After SARS Epidemic Was Slow to Alert Global Authorities" (sa Ingles). washingtonpost.com. pp. 1. http://www.washingtonpost.com/wp-dyn/content/article/2009/04/29/AR2009042904911.html. Hinango noong 2009-05-16. 
  14. "Avian Influenza A (H5N1) infection in humans" (sa Ingles). nejm.org. 29. pp. 1. http://content.nejm.org/cgi/content/full/353/13/1374. Hinango noong 2009-05-16. 
  15. S.P.K.. "Situation updates - Influenza A(H1N1)" (sa Ingles). http://www.who.int.+pp.1. http://www.who.int/csr/disease/swineflu/updates/en/index.html. Hinango noong 2009-05-16. 
  16. 16.0 16.1 Butler, Declan (5). "How severe will the flu outbreak be?" (sa Ingles). nature.com. pp. 1. http://www.nature.com/news/2009/090505/full/459014a/box/1.html. Hinango noong 2009-05-16. 
  17. "113 Confirmed Cases" (sa Ingles). msnbc.msn.com. pp. 1. http://www.msnbc.msn.com/id/21134540/vp/30523283#30523283. Hinango noong 2009-05-16. 
  18. Cohen and Enserink (1). "As Swine Flu Circles Globe, Scientists Grapple With Basic Questions" (sa Ingles). sciencemag.org. pp. 1. http://www.sciencemag.org/cgi/content/full/324/5927/572. Hinango noong 2009-05-16. 
  19. Racaniello, Vincent (30). "Swine influenza A/Mexico/2009 (H1N1) update" (sa Ingles). virology.ws. pp. 1. http://www.virology.ws/2009/04/30/swine-influenza-amexico2009-h1n1-update/. Hinango noong 2009-05-16. 
  20. 20.0 20.1 "Swine Influenza A (H1N1) Infection in Two Children --- Southern California, March--April 2009" (sa Ingles). cdc.gov. pp. 1. http://www.cdc.gov/mmwr/preview/mmwrhtml/mm5815a5.htm. Hinango noong 2009-05-16. 
  21. 21.0 21.1 BBC News. "Q&A: Swine flu" (sa Ingles). BBC News. p. 1. http://news.bbc.co.uk/2/hi/health/8017585.stm. Hinango noong 5-17-09. "Infection control experts are scrambling to respond to outbreaks of swine flu in Mexico and the US, and suspected cases elsewhere." 
  22. DONALD G. McNEIL Jr. "Flu Outbreak Raises a Set of Questions" (sa Ingles). Lungsod ng Bagong York: nytimes.com. p. 1. http://www.nytimes.com/2009/04/27/health/27questions.html?_r=1. Hinango noong 5-17-09. >
  23. STEVENSON, MARK. "U.S., Mexico battle deadly flu outbreak" (sa Ingles) (HTML). Seatle page= 1: komonews. http://www.komonews.com/news/national/43692847.html. Hinango noong 2009-05-18. 
  24. [|Brown, David] (2009-04-26). "U.S. Slow to Learn of Mexico Flu" (sa Ingles) (HTML). Washington: washingtonpost.com. http://www.washingtonpost.com/wp-dyn/content/article/2009/04/25/AR2009042501335.html. Hinango noong 2009-05-18. "Canadian Officials Knew of Rare Strain Before Americans Did" 
  25. Stobbe, Mike. "Officials alert doctors after 2 California children infected with unusual swine flu". startribune.com. http://www.startribune.com/error/?path=%2Flifestyle%2Fhealth&id=43357097. Hinango noong 2009-05-18. 
  26. "Désolé, nous n'avons pas trouvé cette page" (sa Pranses) (HTML). yahoo.com. Archived from the original noong 2009-04-29. http://web.archive.org/web/20090429204954/http://fr.news.yahoo.com/3/20090426/twl-monde-grippe-porcine-1be00ca.html. Hinango noong 2009-08-05. 
  27. "Influenza-like illness in the United States and Mexico" (sa Ingles) (HTML). Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan. 24. p. 1. http://www.who.int/csr/don/2009_04_24/en/index.html. Hinango noong 05-19-2009. 
  28. 28.0 28.1 [|Lacey;McNeil, Marc;Donald]. "Fighting Deadly Flu, Mexico Shuts Schools". nytimes.com. http://www.nytimes.com/2009/04/25/world/americas/25mexico.html?_r=1. Hinango noong 2009-05-15. 
  29. PACHECO, ISTRA (2009-05-22). "Mexico City ends swine flu alert, no cases in week". AP. http://www.google.com/hostednews/ap/article/ALeqM5gfYcVCw5PiKbk5yaX7JaF9NqhPygD98AQ4JG1. Hinango noong 2009-05-23. 
  30. "Novel H1N1 Flu Situation Update". C.D.C.. Ika-22 ng Mayo, 2009. http://www.cdc.gov/h1n1flu/update.htm. Hinango noong 2009-05-23. 
  31. [|C.D.C.] (Ika-20 ng Mayo, 2009). "CDC Telebriefing on Investigation of Human Cases of H1N1 Flu". C.D.C.. http://www.cdc.gov/media/transcripts/2009/t090520.htm. Hinango noong 2009-05-23. 
  32. health.state.ny.us (Ika-20 ng Mayo, 2009). "H1N1 Flu (Swine Flu)". health.state.ny.us. http://www.health.state.ny.us/diseases/communicable/influenza/h1n1/. Hinango noong 2009-05-23. 
  33. Houston Chronicles (Ika-21 ng Mayo, 2009). "Houston elementary's swine flu count grows by 1 to 25". Houston Chronicle. http://www.chron.com/disp/story.mpl/front/6435220.html. Hinango noong 2009-05-24. 
  34. MARIA CHENG (Ika-21 ng Mayo, 2009). "Experts call Britain's attempts to stop swine flu flawed, say there may be a larger outbreak". the33tv.com. p. 1-2. http://www.the33tv.com/news/nationworld/sns-ap-med-britain-swine-flu,0,7224403.story. Hinango noong 2009-05-24. 
  35. [|Coco Masters / Tokyo] (Ika-21 ng Mayo, 2009). "In Japan, Swine Flu Spreading Quickly". Time/CNN. http://www.time.com/time/world/article/0,8599,1900122,00.html?xid=rss-health. Hinango noong 2009-05-26. 
  36. "First swine flu virus case in RP". Swine flu, Health. Cebu Daily News. 05-22-2009. http://globalnation.inquirer.net/cebudailynews/news/view/20090522-206490/First-swine-flu-virus-case-in-RP. Hinango noong 2009-06-13. 
  37. "WHO Pandemic Influenza Phases". World Health Organization. Archived from the original noong 2005-11-24. http://web.archive.org/20051124003932/www.who.int/csr/disease/avian_influenza/phase/en/index.html. Hinango noong 2009-04-27. 
  38. 38.0 38.1 [|ALTMAN, LAWRENCE] (27). "Sound the Alarm? A Swine Flu Bind" (sa Ingles) (HTML). New York: New York Times. pp. 1. http://www.nytimes.com/2009/04/28/health/28docs.html?_r=1&hpw. Hinango noong 2009-05-31. "http://www.nytimes.com/2009/04/28/health/28docs.html?_r=1&hpw" 


Kawil Panlabas[baguhin]

Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
Category:Swine flu (sa wikang Ingles)