Pandurog ng nuwes
Ang nutcracker (pandurog o pambasag ng nuwes) ay isang aparatong mekanikal na pambasag o pandurog (pambukas) ng balat ng nuwes (nuts). Karaniwang gumagana ang nutcracker ayon sa prinsipyo ng momento ayon sa pagkakalarawan sa analisis ng pingga (panikwas o bawig) na isinagawa ni Archimedes. Ang pinakamaagang paggamit katagang Ingles na nutcracker ay maipepetsa mula sa 1481.
Pantungkulin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gumagawa ang mga tagapagmanupaktura ng makabagong mga pambukas ng balat ng mani - na idinisenyo upang makabasag ng balat ng mani - na tila kahawig ng mga plais, subalit ang tuldok ng ikutan o lunduan ay nasa dulo o hulihan na lampas sa mani, sa halip na nasa gitna. Ang pambukas ng mani na may hugpungang may pampaigkas (spring) ay ipinatente ni Henry Quackenbush noong 1913.[1] Ginagamit din ito sa pagbasag ng mga balat ng mga alimango (at katulad nito) at ng mga ulang upang magawang ang karneng nasa loob ay makuha at makain.
Ang mga mani ay matagal nang isang tanyag na pagkaing pinipili upang maging mga panghimagas, kahit na sa Europa. Ang mga pambasag ng balat ng mani ay inilalagay sa mga mesang kainan upang magsilbing isang pangunahing paksa ng pagpapasinaya at talakayan habang naghihintay ang mga kumakain ng panghuling kurso ng pagkain. Sa isang pagkakataon, ang mga pambukas ng mani ay talagang yari sa mga metal na katulad ng tanso, at noong lamang sumapit ang dekada ng 1800 nang ang paggamit ng mga gawa sa kahoy ay naging tanyag at lumaganap sa Alemanya.
Ginagamit ng mga loro ang kanilang mga tuka bilang mga likas na pambasag ng balat ng mani, na katulad ng paraan ng pagbasag ng balat ng mga butil na ginagawa ng mas maliliit na mga ibon. Sa ganitong kaso, ang tuldok ng pag-ikot o paglundo ay kasalungat ng mani, na nasa "panga" ng kasangkapang pambukas ng balat ng mani.
Mayroong ilang mga artista ng sining, kabilang na ang multi-instrumentalistang si Mike Oldfield na ginamit ang tunog na nalilikha ng mga pambasag ng balat ng mani upang makalikha ng musika.
Pampalamuti
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga pambukas ng balat ng mani na nasa anyo ng inukit sa kahoy na hugis ng sundalo, kabalyero, hari, o iba pang prupesyon ay umiiral na magmula pa noong hindi bababa sa ika-15 daantaon. Ang ganitong mga pambasag ng balat ng mani ay naglalarawan ng isang tao na mayroong isang malaking bibig na ibinubuka ng gumagamit sa pamamagitan ng pagpapaangat ng isang pampaikot na nasa likod ng pigurin. Sa orihinal, ang isang tagagamit ay makapagsisingit ng isang mani sa bibig na mayroong malalaking mga ngipin, mapipisil ang kasangkapan at kung gayon ay mababasag ang mani. Ang modernong mga pambukas ng mani na nasa ganitong estilo ay nagsisilbi, sa karamihan, bilang palamuti, pangunahin na tuwing panahon ng Pasko. Ang ballet na The Nutcracker (Ang Mambabasag ng [Balat ng] Mani) ay hinango mula sa palamuting ito na pangkapaskuhan. Ang mga pambasag ng balat ng mani ay matagal nang naging isang sagisag ng Pasko, partikular na sa Kanluraning Mundo.[2] Ang orihinal na mga pambasag ng balat ng mani ay unang nakita sa Alemanya at inisip na mayroong mga katangiang katulad ng isang tagapag-alaga dahil sa kanilang hitsurang makapangyarihan o malakas.
Ang pag-ukit ng mga pambasag ng balat ng mani—pati na ng mga pigurang panrelihiyon at ng mga kuna— ay umunlad bilang isang "industriyang pangkubo" o pambahay sa magugubat na mga pook na rural ng Alemanya. Ang pinakatanyag na mga lilok ng pambasag ng balat ng mani ay nagmula sa Sonneberg ng Thuringia (na sentro rin ng paggawa ng mga manika) at mula sa Kabundukan ng Ginto. Ang mga ukit sa kahoy ay ang karaniwang tanging napagkukunan ng kita (napagkakakitaan) ng mga tao na namumuhay doon. Sa ngayon, ang industriya ng paglalakbay ay nakapagsusuplemento (nakapagdaragdag) sa kanilang kinikitang pera sa pamamagitan ng pagdadala ng mga panauhin sa mga pook na malalayo o liblib.
Ang mga pambukas ng balat ng mani na may tatak na Steinbach ay naging popular din sa Estados Unidos, at ang muling nilikhang "nayong Bavariano" sa Leavenworth, Washington, ay nagtatampok ng isang museo ng mga pambukas ng balat ng mani. Maraming iba pang mga materyal ang nagsisilbi rin bilang makagawa ng pinalamutiang mga pambasag ng balat ng mani, katulad ng porselana, pilak, at tanso; nagtatanghal ng mga halimbawa ang museo.
Ang mga lilok na ginawa ng bantog na mga pangalang pangkalakal na katulad ng Junghanel, Klaus Mertens, Karl, Olaf Kolbe, Petersen, Christian Ulbricht at natatangi na ang Steinbach ay naging mga bagay na kinukulekta.
Noong Oktubre 2008, sa unang pagkakataon, naglabas ang United States Postal Service (USPS) ng apat na mga selyong mayroong mga pambasag ng balat ng mani. Nagtatampok ang mga ito ng pinasadyang mga pambukas ng balat ng mani na nilikha ni Glenn Crider, isang artista ng sining na nagmula sa Richmond, Virginia.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Nutcracker history - invention of the nutcracker". ideafinder.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-04. Nakuha noong 20 Hunyo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-06-04 sa Wayback Machine. - ↑ Gabilondo, Pat (Disyembre 23, 2011). "The Nutcracker: A Timeless Symbol of Christmas". Lilburn-MountainParkPatch. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Mayo 2013. Nakuha noong 10 Disyembre 2012.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)