Panghalip

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang panghalip (Ingles: pronoun) ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".

Mga uri ng panghalip[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Tagalog Lang, mayroong limang uri ang panghalip. Kabilang sa mga uri ng panghalip ang panghalip na panao, (ii) panghalip na pamatlig, (iii) panghalip na pananong, (iv) panghalip na panaklaw, at (v) ang panghalip na pamanggit.[1]

Panghalip na panao[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she), kanila (theirs), at kanya (hers/his).

Panghalip na pananong[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang panghalip na pananong (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun. Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ano(what), anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, at alin-alin.[1]

Panghalip na panaklaw[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa Ingles. Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, at pawang.[1]

Panghalip na pamanggit[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang panghalip na pamanggit (mula sa salitang "banggit", kaya't pakahulugang "pambanggit" o "pangsabi") ay may mga halimbawang kinabibilangan ng mga salita o pandugtong na na at -ng at mga".[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

hanapin mo na lang sa GOOGLE ok ^_^


WikaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.