Parmakolohiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang parmakolohiya[1] ay isang sangay ng panggagamot at isang agham na tumatalakay sa mga gamot kabilang ang mga epekto, gamit, mga timpla, sangkap o komposisyon ng mga ito. Tinatawag na parmakologo o parmakolohista ang mga dalubhasa sa larangang ito. Tinaguriang botika, parmasiya, o parmasya ang tindahan o pook na pinaghahandaan ng mga gamot. Ginagawa rin sa tindahan ng gamot ang paghahanda, pagtitimpla at paglulunas sa pamamagitan ng mga gamot. Tinatawag namang botikaryo, parmasyotiko, parmasyotika, o parmasyotista ang mga taong dalubhasang naghahanapbuhay sa isang botika at may kasanayan sa tamang pagtitimpla ng mga gamot.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Panggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.