Pier Luigi Nervi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Pier Luigi Nervi (21 Hunyo 1891 - 9 Enero 1979) ay isang Italyanong inhinyero at arkitekto. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Bologna at nakatanggap ng kuwalipikasyon noong 1913. Nagturo si Dr. Nervi bilang isang propesor ng inhinyeriya sa Pamantasan ng Roma mula 1946 hanggang 1961. Kilala siya dahil sa kanyang karunungan at kagalingan bilang isang inhinyerong pang-istruktura at dahil sa kanyang makabagong paggamit ng prepabrikadong binangkatang kongkreto.[1]

Talambuhay[baguhin]

Ipinanganak siya sa Sondrio, Italya.[1]

Mga nagawa[baguhin]

Kabilang sa mga naging pananda ng kanyang nagawa bilang isang arkitekto ang mga bulwagan, mga aerodroma, at palasyong pampalakasan na may mga balantok, mga kurba, at mga kisameng parang mga sapot. Kabilang sa kanyang mga nagawa ang gusali ng UNESCO sa Paris, Pransiya at ang Bulwagang Pang-ekshibisyon sa Turino, Italya.[1]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Pier Luigi Nervi". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa N, pahina 438.



TaoItalyaInhinyeriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Italya at Inhinyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.