Pighati

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pighati, isang litograpo ni Vincent van Gogh, 1882. May iba pang mga bersiyon ng litograpong ito na iginuhit ni van Gogh.

Ang pighati (Ingles: sorrow) ay isang damdamin, emosyon, o sentimyento. Ang kapighatian ay mas masidhi o mas matindi kaysa sa kalungkutan, at nagpapahiwatig ng isang kalagayan o katayuang matagalan.[1] Gayundin, ang pighati - subalit hindi ang pagiging hindi masaya - ay nagpapahiwatig ng isang antas ng resignasyon (pagpapaubaya, pagbibitiw na at buong pag-sang-ayon na ng kalooban sa isang karanasan o pangyayari), na nagbibigay o nagpapahiram sa pighati ng kakaiba, hindi karaniwan, kataka-taka, at katangi-tangi nitong anyo ng pagkakaroon ng dangal.[1] Inilalarawan din ang pighati bilang nasa gitna o nasa pagitan ng pagpunta sa pagkakaroon ng kalungkutan (pagtanggap sa naranasan o pangyayari) at pag-aalala (pagkabalisa, pagkabahala, pangangamba, o pagkabagabag, hindi pagtanggap sa naranasan o pangyayari).[1]

Katumbas o kaugnay na mga salita[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pighati ay maaaring katumbas o kaugnay ng kalumbayan, lumbay, lunos, dusa, pagdurusa, dalamhati, pagsisisi, kasawiang-palad, panganib, peligro, gipit na kalagayan, kagipitan, at hilahil.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 Anna Wierzbicka, Emotions across Languages and Cultures (1999) p. 66


Sikolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.