Pumunta sa nilalaman

Plurk

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Plurk
Uri ng sayt
Micro-blogging
Mga wikang mayroonMultilingual
May-ariPlurk, Inc.
LumikhaThe A-team[1]
URLwww.plurk.com
Pang-komersiyo?oo
PagrehistroRequired

Ang Plurk ay isang malayang social networking at micro blogging service na nagpapahintulot sa mga tagagamit na magpadala ng mga update (kilala rin bilang mga plurk) sa pamamagitan ng mga maiikling mensahe o sangay, na kung saan dapat lang umabot sa 140 karakter ng teksto ang haba.

Ang mga update ay naipapakita sa mga home page ng mga taga-gamit sa pamamagitan ng isang timeline na naglilista ng lahat ng mga update na nakuha nang pagkasunod-sunod ayon sa oras na nakuha ito, at ipinapapadala sa mga taga-gamit na naglagda para makuha ang mga iyon. Ang mga taga-gamit ay puwedeng tumugon sa mga update ng taga-gamit sa pamamagitan ng kanilang timeline sa plurk.com, sa instant messaging, o sa pamamagitan ng text messaging.

Ang Plurk ay naitatag at itinadhana bilang isang medium ng komunikasyon para magkaroon ng balanse sa gitna ng mga blog at mga social network, at sa gitna ng e-mail messaging at instant messaging. Matapos ang ilang buwan ng pag-uusbong, ang Plurk ay nailunsad noong Mayo 2008.[3]

Ang etimolohiya ng pangalan ay naipaliwanag ng mga nag-usbong bilang:[4]

Mga nilalaman at teknolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang interface ng Plurk ay nagpapakita ng mga update sa pahalang sa isang scroll na timeline sa pamamagitan ng JavaScript at napapaupdate sa pamamagitan ng AJAX. Ang mga tagagamita ay puwedeng maglagay ng mga bagong mensahe na may opsyonal na 'qualifiers' na mga iisang-salitang mga pandiwa na nagpapakita ng isip ng tagagamit (hal. "mahal", "ay nangangailangan", "ipinamamahagi", at marami pang iba). Mayroong ding mga advanced na feature tulad ng pagpapadala ng mga update sa ilang mga kaibiggan, mga updates tungkol sa mga pangyayari nang pangkasalukuyan o pangnagdaan, pamamamahagi ng mga retrato, mga video at iba pang mga midya.[5]

Ang Plurk ay sumusuporta rin sa mga pag-uusap sa mga grupo sa gitna ng mga magkakaibigan at tumatanggap ng paggamit ng mga emoticon kasama na ang kinaugaliang micro-blogging.[6]

Ang mga nag-usbong ng Plurk.com ay wala pang API na ipinamamahagi sa publiko, sapgakat isang hindi opisyal ngunit suportadong[7] Plurk API ay hosted ng Google Code.[8]

Paggamit sa ibang wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Para matulungang maisalin ang kanilang base sa mga listahan ng mga qualifier/mga pandiwa sa maraming mga wika, ang Plurk ay naghohost ng sariling translation website nito na kung saan ang mga tagagamit at makakabigay ng mga salin ng user interface ng Plurk sa iba't ibang wika.[9] Noong Hulyo 2008, ang Plurk ay naisalin na sa mahigit dalawampung wika.

Ang Plurk ay sinasabing karibal sa Twitter, isang mas naunang micro-blogging service.[10][11]

Noong Hunyo 2008, ang Plurk ay nakatanggap ng maraming atensiyon sa online noong ito ay napili ni leo Laporte at Amber MacArthur sa kanilang net@night na palabas sa TWiT.tv podcast network.[12][13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Plurk ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

  1. Plurk.com. "The A-Team". Plurk Inc. Nakuha noong 2008-07-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Amir Salihefendic (2008-05-12). "Plurk.com opens up". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-23. Nakuha noong 2008-07-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. akan (2008-05-20). "das leben der anderen - a window into the lives of others". Plurk Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-19. Nakuha noong 2008-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. akan (2008-06-02). "'Plurk'? An etymological deconstruction of the word you love to hate". Plurk Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-20. Nakuha noong 2008-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Plurk.com. "FAQ". Plurk, Inc. Nakuha noong 2008-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Prashant Sharma. "Why Plurking is more fun than tweeting". TechPluto. Nakuha noong 2008-09-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Duncan Riley (2008-06-10). "Game On: Plurk API Available Tomorrow". The Inquisitr. Nakuha noong 2008-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ryan Lim. "RLPlurkAPI: The unofficial Plurk API". Google Inc. {{cite web}}: Unknown parameter |access= ignored (|access-date= suggested) (tulong)
  9. akan (2008-06-28). "Introducing the Plurk Collaborative Translation Project - Help Us Bring Plurk to your Language". Plurk Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-22. Nakuha noong 2008-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Michael Muchmore (2008-06-23). "Plurk.com - Full Review - Reviews by PC Magazine". Ziff Davis Publishing Holdings Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-16. Nakuha noong 2008-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Stii Pretorius (2008-06-03). "Plurk, the new Twitter?". Mail & Guardian Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-12. Nakuha noong 2008-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Amber MacArthur and Leo Laporte (2008-06-04). "net@night 55: Tiffany Roll". TwiT.tv. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-06. Nakuha noong 2008-07-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Rafe Needleman (2008-06-02). "Plurk: Like Twitter, in good and bad ways". CNET Networks, Inc. Nakuha noong 2008-07-23. An influx of users over the weekend (which is being blamed on or credited to Leo Laporte) has apparently overloaded the system, and occasionally users may find elements of it not working.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]