Pokémon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang official logo ng Pokemon.

Ang Pokemon (Hapon:ポケットモンスター) ay isang serye ng mga anime,elektronikong laro,at iba pa. Ito ay sinumulan ni Satoshi Tajiri noong 1996 na naisip niya dahil isa siyang insect collector ng bata pa siya. Ang Pokemon ay isang shortcut para sa Pocket monsters.

Ang mga salinlahi na ginawa ng Nintendo[baguhin]

Pangunahing Artikulo: Talaan ng mga larong Pokémon


Unang salinlahi (Color Generation)[baguhin]

Ang mga bala na para sa Game Boy sa salinlahing ito ay ang Pokémon Red Version, Pokémon Blue Version at Pokémon Yellow Version. Ang Pokémon Yellow ay hango sa istorya ng Pokémon animé. Ang mga Pokémon sa Pokémon Red, Blue (Green sa bansang Hapon) at Yellow ay mula kay Bulbasaur hanggang kay Mew. Ang mga Pokémon dito ay umaabot sa 151. Si Mew ang unang rare Pokémon na hindi mahuhuli kung walang glitch na ginamit. Si Mew ay maaari nang makuha sa pangatlong salinhali sa pamamagitan ng Old Sea Chart.

  • Pokémon Red Version & Pokémon Blue Version (katumbas ng Green Version sa Hapon)
  • Pokémon Yellow
  • Pokémon Stadium (para sa Nintendo 64)
Ang screenshot ng Pokemon Gold.

Pangalawang salinlahi (Metallic Generation)[baguhin]

Ang mga pangalan ng balang para sa Game Boy Color sa salinlahing ito ay ang Pokémon GoldVersion, Pokémon Silver Version at Pokémon Crystal Version. Dito nadagdagan ang Pokémon ng 100, mula kay Chikorita hanggang kay Celebi. Sa salinlahing ito ay mayroon nang 251 na Pokémon. Sa unang pagkakataon ay pwede nang pagpilian kung ang karakter mo ay lalake o babae.

  • Pokémon Gold Version & Pokémon Silver Version
  • Pokémon Crystal Version
  • Pokémon Stadium 2 (para sa Nintendo 64)

Pangatlong salinlahi (Advance Generation)[baguhin]

Ang mga bala para sa Game Boy Advance sa salinlahing ito ay ang Pokémon Ruby Version, Pokémon Sapphire Version, Pokémon FireRed Version, Pokémon LeafGreen Version at Pokémon Emerald Version. Dito nadagdagan ng 135 ang Pokémon, mula kay Treecko papunta kay Deoxys. Sa salinhaling ito, mayroong nang 386 na Pokémon. Sa unang pagkakataon ay pwede nang makipagpalit ng Pokémon sa ibang naglalaro gamit ang wireless adapter.

Ang screenshot ng Pokemon FireRed at LeafGreen.
  • Pokémon Ruby Version & Pokémon Sapphire Version
  • Pokémon FireRed Version & Pokémon LeafGreen Version
  • Pokémon Emerald Version
  • Pokémon Box: Ruby and Sapphire (hango sa Pokémon storage system ng laro; hindi ito talagang laro) (para sa GameCube)
  • Pokémon XD: Gale of Darkness (para sa GameCube)
  • Pokémon Colosseum (para sa GameCube)
Ang screenshot ng Pokedex ng Pokemon Emerald.

Pang-apat na salinlahi[baguhin]

Ang mga laro ay nasa Nintendo DS, at dito, mas maganda ang paglaro, dahil sa mga makabagong teknolohiyang ginamit upang malikha ito. Ang mga Pokémon dito ngayon ay mula kay Turtwig hanggang kay Arceus. 493 na Pokémon na ang mayroon ngayon. Ang mga laro sa salinlahing ito ay:

  • Pokémon Diamond Version & Pokémon Pearl Version
  • Pokémon Battle Revolution (para sa Wii)
  • Pokémon Platinum Version
  • Pokémon HeartGold Version & Pokémon SoulSilver Version

Panglimang salinlahi[baguhin]

Ito ay malalaro din sa Nintendo DS, gaya sa pang-apat ng salinlahi. Mayroong 156 na Pokémon ang nadagdag dito, mula kay Victini hangang kay Genesect. Mayroon nang 649 na Pokémon sa salinlahing ito. Ang mga laro sa salinlahing ito ay:

  • Pokémon Black Version & Pokémon White Version
  • Pokémon Black Version 2 & Pokémon White Version 2

Ibang Larong Pokémon[baguhin]

May mga spin-off o labas-kuwento na larong Pokémon. Ang ilang ibang laro na nasa kaurian na ito ay mga simpleng laro na walang kuwento.

  • Pokémon Mystery Dungeon
  • Pokémon Card GB
  • Pokémon Pinball
  • Pokémon Picross (hindi mabibili)
  • Pokémon Puzzle Challenge (Game Boy Advance] lamang malalaro)
  • Pokémon Card GB 2 (Game Boy Advance] lamang malalaro)
  • Pokémon Pinball
  • Pokémon Dash
  • Pokémon Trozei!
  • Pokémon Ranger: Shadows of Almia
  • Pokémon Pikachu
  • Pokémon Pikachu 2
  • Cyber Poké Ball
  • Cyber Pokédex
  • Pokémon Party Mini
  • Pokémon Pinball Mini
  • Pokémon Puzzle Collection
  • Pokémon Zany Cards
  • Pokémon Tetris (Japanese)
  • Pokémon Race
  • Pokémon Puzzle Collection 2
  • Pokémon Breeder
  • Togepi's Adventure
  • Pichu Bros. Mini
  • Snorlax's Snacktime
  • Pokémon Conquest

Ipinagbawal[baguhin]

Pagtrato sa Hayop[baguhin]

  • Maraming mga environmentalist ang hindi nagustuhan ang paglaro ng Pokémon, ang paghuli at pakikipaglaban ng mga hayop (Pokemon) ay parang karera ang patayan ng kabayo.

Relihiyon[baguhin]

  • Sa Saudi Arabia, ipinagbabawal mabanggit o laruin ang kahit anong produkto ng Pokémon franchise dahil ito raw ay nag-propromote ng Zionism.
  • Nagkaisyu ito sa simbahang katoliko dahil ang mga ibang elemento dito ay may pagka sataniko raw.

Ang Anime[baguhin]

Ang anime nito ay nagsimula noong Abril 1997,na nagdiwang ng ika-sampung anibersaryo ngayong 2007. Sa kasalukuyan, sina Ash at Brock kasama ang panibagong Pokemon Trainer na si Dawn ,na mula sa Twinleaf Town, ay naglalakbay na papunta sa Sinnoh Pokemon League (Pokemon: Diamond And Pearl).

Mga Pangunahing Tauhan[baguhin]

Pangkasalukuyan

Name Description
Ash Ketchum (Satoshi) Si Ash ay isang 10 (naging 11 sa Advanced Generation at sinasabing 13 sa Pokemon: Diamond and Pearl Series) taong gulang na bata na may balak upang maging Pokémon master. Nagsimula siya kay Pikachu kung saan binigay ni Professor Oak ng Pallet Town upang mapagsimulan ang kanyang lakbay at upang maging Pokemon Master. Ang kanyang apelyedo ay kahalintulad ng kasabihan sa pokemon na catch 'em. Ang mga rank ni Ash:

• Indigo League - Top 16

• Orange League - Champion

• Whirl Cup - Top 16

• Johto League Silver Conference - Top 8

• Hoenn League Championship - Top 8

• Battle Frontier - Champion

Pikachu Ang Pikachu ay ang unang Pokémon ni Ash at ang kaniang kaibigan. Sila na ay nakapag-lakbay sa Kantot, Johto, Hoenn at Sinnoh.
Iris (Iris) Isang bagong kasamahan ni Ash sa Unova na mula sa Dragon Village. Kilala siya na isang 'wild girl' dahil sa nakatira siya paminsan-minsan sa kagubatan noong bata pa siya. Mayroong siyang 'sixth sense' kasi nadarama niya ang mga pangyayari sa kaniyang palibot. Ang unang Pokemon niya ay si Excadrill na nakuha niya noong bata pa siya. Magaling itong lumaban, dahil sa kaniya nagawa nila ang '99 straight wins' ngunit sa nakakahiyang pagkatalo sa Dragon Master na si Drayden, hindi na ito nakikinig sa kaniya hanggang sa pagkalaki na ni Iris at lumaban sa isang Beartic na pinagmay-ari ni Langley. Mayroon ring siyang Axew na ibinigay sa kanilang tanda sa kanilang bayan. Ang kanyang balak ay isang Dragon Master.
Cilan (Dent) Si Cilan ay isa sa mga gym lider ng Striaton Gym. Ang iba pang gym lider ay ang kanyang mga kapatid na si Chili (Pod) at si Cress (Corn). Isa rin siyang Pokemon Connoisseur na nasa rango ng A-class. Sila ang mag-sasabi kong gaano kalapit ang mga trainer at Pokemon sa isa't isa at magbibigay sila ng mga adbais kung papaano pa sila mapapalapit nang lalo. Katulad ni Brock, mahilig ito mag-luto dahil isa rin siyang waiter sa kanilang restaurant.
Meowth (Nyarth) Isang ex-member ng Team Rocket. Nakasama siya nila Ash noong nakita siya na walang malay. Ang rason na hindi na siya isang miyembro ng Team Rocket dahil sa nasira niya ang plano sa misyon noong nasa Nimbasa City sila. Dahil doon, ipinatanggal si Meowth sa kanilang boss na si Giovanni at itinalikuran na siya kina Jessie at James.

Mga Dating Pangunahing Tauhan[baguhin]

  • Brock
    • h
  • Dawn
    • Si Dawn ay isang baguhang trainer sa Sinnoh. Ang balak niya ay isang magaling na Coordinator katulad sa kaniyang ina.
  • May at Max
    • Si May ay isang baguhang trainer na nasabi nya na hindi nya talaga gusto ang mga Pokemon. Naglaon ay nagpasya nalang siyang maging Coordinator(sumsali sa mga pokemon contest). Si Max ang nakababatang kapatid ni May. Napapansin ay mas matalino siya kaysa kay May.
  • Guro Oak

Ang Pokemon professor sa Pallet Town at lolo ni Gary. Siya ang nagbigay ng Pikachu kay Ash.

  • Misty
    • Si Misty ang pinuno ng Cerulean gym. Ang dahilan kaya siya sumama kay ash ay dahil nasira ni Ash ang bisikleta ni Misty. Iniwan niya ang Cerulean gym upang maging Water Pokemon Researcher. Siya ay unang nakita sa episode na "Pokemon, I choose you." at sumama na kay Ash pagkatapos noon. Bago matapos ang "Pokemon MasterQuest" ay umalis na si Misty dahil siya na ang panibagong gym leader ng Cerulean City, pagkatapos umalis nang kanyang tatlong kapatid para sa isang "World Trip".
  • Tracy
    • Siya ay naging kasama ni Ash sa Orange Islands story arc. Siya ay may mga Marill at Venonat na Pokemon at siya ay nangangarap na maging sikat na Pokemon Artist.
  • Gary
    • Si Gary ang karibal ni Ash noong sanggol pa sila. Natanggap niya sa kanyang lolo, si Profesor Oak, ang kanyang unang pokemon na si Squirtle. Sa sumunod na season nag-evolve ang Squirtle ni Gary papunta kay Blastoise. Akala ng iba na si Eevee ang kanyang unang Pokemon, pero Squirtle talaga ang kanyang unang Pokemon. Sinabi ito noong laban nila ni Ash sa Johto League. Kung saan tinalo ng Charizard ni Ash ang Blastoise ni Gary kahit kahinaan ni Charizard ang tubig. Pagkatapos matalo ay sinundan niya ang yapak ng kanyang lolo at umalis upang magsaliksik ng iba pang mga pokemon.

Team Rocket, Aqua, Magma at Galactic[baguhin]

Tignan ang Mga Kontrabida sa Pokemon na artikulo.

Tingnan Rin[baguhin]