Proterosoiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Eon na Proterosoiko
2500 - 542 milyong taon ang nakalilipas
Iskala:
Milyong mga taon
Mga Stromalita ng Mababang Proterosoiko mula Bolivia, Timog Amerika.

Ang Proterosoiko (Ingles: Proterozoic) (play /ˌprtərɵˈz.ɪk/) ay isang eon na heolohiko na kumakatawan sa panahong bago ang paglaganap ng mga komplikadong buhay sa daigdig. Ang pangalang ito ay mula sa Griyego at nangangahulugang "mas maagang buhay". Ang eon na Proterosoiko ay sumakop mula 2,500 Ma hanggang 542.0±1.0 Ma (milyong taon ang nakalilipas) at pinaka-kamakailang bahagi ng inpormal na pinangalang panahong Prekambriyano. Ito ay nahahati sa tatlong mga era na heolohika mula pinakamatanda hanggang pinakabata: ang Proterosoiko, Mesoproterosoiko at Neoproterosoiko. Ang mahusay na natukoy na mga pangyayari ng eon na ito ang transisyon o paglipas sa isang oksihenadong atmospero sa panahong Mesoproterosoiko; ilang mga pagyeyelo kabilang ang hinipotisang niyebeng bolang daigdigl at ang panahong Ediakarano(635 hanggang 542 milyong taon ang nakalilipas) na nilalarawan ng ebolusyon ng mga masaganang may malambot na katawang multiselular(maraming selula) na mga organismo.