Siluriyano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Panahong Siluriyano
443.7–416 milyong taon ang nakalilipas
S
Mean na atmosperikong nilalamang O2sa loob ng tagal ng panahon ca. 14 Bolyum %[1]
(70 % ng modernong lebel)
Mean na atmosperikong nilalamang CO2 sa tagal ng panahon ca. 4500 ppm[2]
(16 mga beses sa lebel na pre industriyal)
Mean na temperatura ng surpasyo(ibabaw) sa loob ng tagal ng panahon ca. 17 °C[3]
(3 °C na higit sa modernong lebel)
Lebel ng dagat(na higit sa kasalukuyang panahon) Mga 180m na may maikling panahong negatibong mga ekskursiyon[4]

Ang Siluriyano(Ingles: Silurian) ay isang panahong heolohiko na sumasakop mula 443.7 milyong taon ang nakalilipas hanggang 416 milyong taon ang nakalilipas. Gaya sa ibang mga panahong heolohiko, ang mga kama ng bato na naglalarawan ng simula at huli ng panahong ito ay mahusay na natukoy ngunit ang mga eksaktong petsa ay hindi matiyak ng ilang mga milyong taon. Ang base ng Siluriyano ay inilagay sa isang pangunahing pangyayaring ekstinksiyon nang ang 60% ng mga espesyeng pang-dagat ay nalipol. Ang isang malaking pangyayari sa ebolusyon sa panahong Siluriyano ang paglitaw ng mga may panga at mabutong mga isda. Ang buhay ay nagsimula ring lumitaw sa lupain sa anyo ng maliit, tulad ng lumot na mga halamang baskular na lumago sa tabi ng mga lawa, batis, at mga baybayin. Gayunpaman, ang buhay pang-lupain ay hindi pa labis na sumasailalim sa dibersipikasyon at umaapekto sa lupain hanggang sa panahong Deboniyano.

Mga subdibisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Llandovery[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang epoch na Llandovery ay tumagal nang 443.7 milyong taon ang nakalilipas hanggang 428.2 milyong taon ang nakalilipas at hinahati sa tatlong mga yugto: ang Rhuddaniyano,[5] na tumagal hanggang 439 milyong taon ang nakalilipas, the Aeroniyano na tumagal hanggang 436 milyong taon ang nakalilipas, at ang Telychiyano. Ang epoch na ito ay pinangalan sa bayan ng Llandovery sa Carmarthenshire, Wales.

Wenlock[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Wenlock Group

Ang Wenlock na tumagal mula 428.2 milyong taon ang nakalilipas hanggang 422.9 milyong taon ang nakalilipas mya, ay nahahati sa mga panahong Sheinwoodiyano (to 426.2 milyong taon ang nakalilipas) at Homeriyano. Ito ay ipinangalan sa Gilid na Wenlock sa Shropshire, England. Sa panahong Wenlock, ang pinakamatandang alam na mga tracheophyte ng henus na Cooksonia ay lumitaw. Ang pagiging komplikado ng medyo mas batang mga halamang Gondwana tulad ng Baragwanathia ay nagpapakita ng isang mas mahabang kasaysayan para sa mga halamang baskular at marahil ay lumalawig hanggang sa simula ng Siluriyano o kahit sa Ordobisiyano.

Ludlow[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Ludlow Group

Ang Ludlow na tumagal mula 422.9 milyong taon ang nakalilipas hanggang 418.7 milyong taon ang nakalilipas mya ay binbuo ng yugtong Gorstiyano na tumagal hanggang 421.3 milyong taon ang nakalilipas, at ang yugtong Ludfordiyano. Ito ay ipinangalan sa bayan ng Ludlow sa Shropshire, England.

Přídolí [baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Pridoli na tumagal mula 418.7 milyong taon ang nakalilipas hanggang 416 milyong taon ang nakalilipas ang huli at pinakamaikling epoch ng Siluriyano. Ito ay ipinangalan sa reserbang natural na Homolka a Přídolí malapit sa Prague suburb Slivenec saCzech Republic. [6]

Mga yugtong pang-rehiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Hilagang Amerika, ang isang ibang suite ng mga yugtong pang-rehiyon ay minsang ginagamit:

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang hangganang Ordobisiyano-Siluriyano na nalantad sa Hovedøya, Norway na nagpapakita ng labis na namarkhang pagkakaiba sa pagitan ng maputlang gray na Ordobisiyanong kalkareyosong batong buhangin at kayumangging Siluriyanong batong putik. Ang mga patong ay itinaob ng oreheniyang Kaledoniyano.

Sa superkontinenteng Gondwana na tumatakip sa ekwador at karamihan ng katimugang hemispero, ang isang malaking karagatan ay sumakop ng halos hilagaang kalahati ng globo.[7] Ang mga matataas na lebel ng dagat ng Siluriyano at ang relatibong patag na lupain(na may ilang mga mahahalagang sinturon ng bundok) ay nagresulta sa isang bilang mga kadenang isla at kaya ay isang mayamang dibersidad ng mga kalagayang pang kapaligiran.[7] Sa panahong Siluriyano, ang Gondwana ay nagpatuloy ng isang mabagal na paglipat papatimog sa mataas na katimugang mga latitudo ngunit may ebidensiya na ang mga kap ng yelong Siluriyano ay ay kaunting ekstensibo kesa sa glasiasyon ng Huling Ordobisiyano. Ang katimugang mga kontinente ay nananatiling nagkakaisa sa panahong ito. Ang pagkatunaw ng mga kap ng yelo at mga glasyer ay nag-ambag sa isang pagtaas ng lebel ng dagat na makikilala mula sa katotohanang ang mga sedimentong Siluriyano ay nasa ibabaw ng gumuhong mga sedimentong Ordobisiyano na bumuo ng hindi konpormidad. Ang mga kontinenteng Avalonia, Baltica, at Laurentia ay lumipat ng magkakasama malapit sa ekwador na nagpasimula ng pagkakabuo ng isang ikalawang superkontinenteng Euramerika.

Fossiladong mababaw na sahig ng dagat ng Huling Siluriyano, naka tanghal sa Bristol City Museum, Bristol, England. Mula sa epoch na Wenlock sa Wenlock limestone, Dudley, West Midlands, England.

Nang ang proto-Europa ay bumangga sa Hilagang Amerika, ang pagbabanggan ay tumiklop ng mga sedimentong pang baybayin na natitipon simula Kambriyano sa baybaying silangan ng Hilagang AMerika at baybaying kanluran ng Euripa. Ang pangyayaring ito ang oroheniyang Kaledoniyano na isang biglaang ng pagtatayo ng bundok na sumasaklaw mula New York hanggang sa pinagdikit na Europa at Greenland hanggang Norway. Sa huli nang Siluriyano, ang mga lebel ng dagat ay muling bumagsak na nag-iiwan ng mga tanda ng mga ebaporita sa isang basin na sumasaklaw mula Michigan hanggang Kanlurang Virginia at ang mga bagong saklaw ng bundok ay mabilis na gumuho. Ang Ilog Teays na dumadaloy sa mababaw ng dagat gitnang kontinental ay nagpaguho ng stratang Ordobisiyano na nag-iiwan ng mga bakas ng stratang Siluriyano ng hilagaang Ohio at Indiana. Ang malawak na karagatang Panthalassa ay tumakip sa halos hilagaang hemispero. Ang ibang mga maliliit na karagatan ay kinabibilangan ng dalawang mga yugto ng Tethys— ang Proto-Tethys at Paleo-Tethys— ang Karagatang Rheic na isang daanang dagat ng Karagatang Iapetus(na ngayon sa pagitan ng Avalonia at Laurentia), at ang bagong nabuong Karagatang Ural.

Klima at lebel ng dagat[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang panahong Siluriyanong ay nakaranas ng relatibong matatag at mga maiinit na temperatura na salungat sa sukdulang mga pagyeyelo ng Ordobisiyanong nauna rito at ang sukdulang init ng sumunod na Deboniyano.[7] Ang mga lebel ng dagat ay tumaas mula sa mababang Hirnansiyano sa buong unang kalahati ng Siluriyano. Ang mga ito ay kalaunang bumagsak sa buong natitira ng Siluriyano bagaman ang mga mas maliit na mga paternong iskala ay umibabaw sa pangkalahatang kagawian. Ang labin limang mga mataas na tayo ay maaaring matukoy ang pinakamataas na lebel ng dagat sa Siluriyano ay malamang mga 140 m na mas mataas kesa sa pinakamababang lebel na naabot.[7] Sa panahong ito, ang mundo ay pumasok sa isang mahabang mainit na yugtong greenhouse at ang mainit na mababaw na mga dagat ay tumakipsa halos na mga masa ng lupain na pang-ekwador. Sa simula ng Siluriyano, ang mga glasyer ay umurong papabalik sa Timog Polo hanggang ang mga ito ay halos naglaho sa gitna ng Siluriyano. Ang panahong ito ay nakasaksi ng isang relatibong pagtatag ng pangkalahatang klima ng mundo na nagwakas sa nakaraang paterno ng paiba ibang mga klima. ANg mga patong ng mga nasirang shell(na tinatawag na coquina) ay nagbigay ng malakas na ebidensiya ng isang klimang pinanaigan ng isang marahas na mga bagyong na nilikha sa panahong ito. Kalaunan sa Siluriyano, ang klima at katamtamang lumamig ngunit sa hangganang Siluriyano Deboniyano, ang klima ay naging mas mainit.

Mga perturbasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang klima at siklong karbon ay lumilitaw na medyo hindi bumababa sa panahong Siluriyano na may mas mataas na konsentrasyon ng mga ekskursiyong istopiko kesa sa anumang mga panahon. [7] Ang pangyayaring Ireviken, pangyayaring Mulde at pangyayaring Lau ay bawat kumakatawan ng mga ekskursiyong isotopiko kasunod ng isang maliit na ekstinksiyong pang masa[8] at ang nauugnay na mabilis na pagbabago ng lebel ng dagat sa karagdagan pa sa mas malaking ekstinksiyong Lau sa huli ng Siluriyano.[7] Ang bawat isa ay nag-iiwan ng parehong lagda sa rekord na heolohikal na parehong heokemiko at biolohiko. Ang mga pelahiko(malayang lumalangyo) na mga organismo ay partikular na matinding tinaas gayundin ang mga brachiopod, mga koral at mga trilobita at ang mga ekstinksiyon ay bihirang nangyayari sa isang mabilis na sunod sunod na mabilis na pagputok.[7]

Flora at fauna[baguhin | baguhin ang batayan]

Cooksonia, ang pinakaunang halamang baskular , gitnang Siluriyano

Ang Siluriyano ang unang panahon na nakakita ng mga makrofossil ng malawak na panlupaing biota sa anyo ng mga kagubatang moss sa kahabaan ng mga ilog at batis. Gayunpaman, ang faunang pang-lupain ay walang malaking pagapekto sa mundo hanggang ito ay nagdibersipika sa Deboniyano.[7] Ang unang mga rekord ng fossil ng mga halamang baskular na mga halamang pang lupain na may mga tisyung nagdadala ng pagkain ay lumitaw sa ikalawang kalahati ng panahong Siluriyano. Ang pinaka unang alam na mga representatibo ng pangkat na ito ang Cooksonia (na ang karamihan ay mula sa hilagaang hemispero) at Baragwanathia (mula Australia). Ang isang primitibong halamang pang lupain sa Siluriyano na may xylem at phloem ngunit walang diperensiyasyon sa ugat, tangkay at dahon, ang labis na sumangang Psilophyton na lumilikha ng mga spore at humihinga sa pamamagitan ng stomata sa bawat surpasiyo na malamang ay sa pamamagitan photosynthesis sa bawat tisyung nalantad sa liwanag. Ang Rhyniophyta at ang primitibong mga lycopod ang ibang mga halamang panglupain na unang lumitaw sa panahong ito. Ang mga moss o ang mga sinaunang halamang pang lupain ay walang mga malalalim na ugat. Ang mga batong Siluriyano ay kadalasang may tintang kayumanggi na posibleng resulta ng ekstensibong erosyon sa mga sinaunang lupa. Ang unang mabutong isa na Osteichthyes ay lumitaw na kinakatawan ng mga Acanthodian na nababalutan ng mga mabutong mga kaliskis. Ang isda ay umabot sa malaking dibersidad at nagpaunlad ng magagalaw na mga pangat na inangkop mula sa mga suporta ng harapang dalawang o tatlong mga hasang. Ang isang dibersong fauna ng mga Eurypterid(mga alakdang dagat) na ang ilan sa mga ito ay ilang mga metro ang haba ay gumala gala sa mga mababaw na dagat ng Siluriyano ng Hilagang Amerika. Ang marami sa mga fossil nito ay natagpuan sa New York. Ang mga linta ay lumitaw rin sa panahong Siluriyano. Ang mga Brachiopod, bryozoa, mollusca, mga hederelloid at mga trilobita ay masagana at diberso. Ang kasaganaan ng reef ay hindi pantay. Minsan ang mga ito ay nasa lahat ng lugar ngunit sa ibang mga punto ang mga ito halos hindi umiiral sa fossil rekord.[7] Ang ilang ebidensiya ay nagmumungkahi ng presensiya ng mga maninilang trigonotarbid arachnoid at myriapod sa mga tae sa Huling Siluriyano. Ang mga maninilang inbertebrata ay nagpapakita na ang mga simpleng sapot ng pagkain ay nasa lugar na kinabibilangan ng mga hindi maninilang mga hayop na sinisila. Ang paghihinuha pabalik sa biota ng Simulang Deboniyano, sina Andrew Jeram et al. noong 1990[9] ay nagmungkahi ang isang sapot ng pagkain batay sa hindi pa natutuklasan mga s detritivore at mga manginginain sa mga mikro organismo. [10]


Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Image:Sauerstoffgehalt-1000mj.svg
  2. Image:Phanerozoic Carbon Dioxide.png
  3. Image:All palaeotemps.png
  4. Haq, B. U.; Schutter, SR (2008). "A Chronology of Paleozoic Sea-Level Changes". Science 322 (5898): 64–68. Bibcode 2008Sci...322...64H. doi:10.1126/science.1161648. PMID 18832639. 
  5. Named for the Cefn-Rhuddan Farm in the Llandovery area; confusingly, Rhuddlan lies on Silurian strata as well.
  6. Štěpán Manda, Jiří Frýda: Silurian-Devonian boundary events and their influence on cephalopod evolution: evolutionary significance of cephalopod egg size during mass extinctions. In: Bulletin of Geoscience. Vol. 85 (2010) Heft 3, S. 513-540
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 7.7 7.8 doi:10.1016/j.palaeo.2010.08.001
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  8. doi:10.1007/BF02536983
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  9. Andrew J. Jeram, Paul A. Selden and Dianne Edwards, "Land Animals in the Silurian: Arachnids and Myriapods from Shropshire, England", Science 2 November 1990:658-61.
  10. Anna K. Behrensmeyer, John D. Damuth, et al. Terrestrial Ecosystems Through Time "Paleozoic Terrestrial Ecosystems" (University of Chicago Press), 1992:209.
Pinangunahan ng Eon na Proterosoiko 542 Ma - Eon na Panerosoiko - Kasalukuyan
542 Ma - Era na Paleosoiko - 251 Ma 251 Ma - Era na Mesosoiko - 65 Ma 65 Ma - Era na Cenosoiko - Kasalukuyan
Kambriyano Ordobisiyano Siluriyano Deboniyano Karboniperoso Permiyano Triasiko Hurasiko Kretaseyoso Paleohene Neohene Kwaternaryo