Puson

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang puson sa dalawang babaeng tao.
Ang puson sa isang lalaking tao.
Nasa gitna at nagpapakitang gilas ang isang lalaking may buyon o malaking tiyan.
Para sa ibang gamit, tingnan ang Tiyan (paglilinaw).

Ang puson o tiyan (Ingles: abdomen) ay ang bahagi sa katawan ng tao na nakalagay sa pagitan ng dibdib at ng mga hita; o ang bahagi ng katawang nasa ibaba ng dibdib at nasa pagitan ng mga buto ng balakang. Ito ang kinapapalooban ng mga panloob na tiyan, ureter, mga bituka, atay, pali, panloob na bahagi ng puwit, pantog, apdo, sistemang pasuplingan sa labas ng mga suso, at iba pang mga laman-loob.[1][2] Sa mga tao, at marami pang ibang mga vertebrata, ito ang rehiyon sa pagitan ng thorax at ng balakang (ang thoracic diaphragm o makapal na litid sa pagitan ng tiyan at dibdib ang naghihiwalay sa puwang na pang-torako at ng puwang sa puson[3]). Sa may tamang gulang na insekto, ang puson ay ang pangatlo o likurang bahagi pagkaraan ng ulo at thorax. Tinatawag na buyon ang isang "malaking tiyan."[4]

Sa harapan, natatakpan ang puson ng isang makapal na kalatagan ng masel na pangkaraniwang dumidiin ng banayad sa mga lamang nasa loob ng puson. Sa itaas, nakakabit ang mga masel na ito sa pang-ibabang mga tadyang; sa likod, nakadikit ang mga ito sa pitak ng gulugod; at sa ilalim, nakadugtong sila sa mga buto ng balakang. Nagpapatuloy ang panloob na butas ng puson pababa magpahanggang sa hukay sa may mabutong balakang.[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. The American Heritage Stedman's Medical Dictionary (Talatinigang Medikal ni Stedman mula sa Pamanang Amerikano). "KMLE Medical Dictionary Definition of abdomen (Kahulugan ng puson mula sa Talatinigang Medikal ng KMLE)". http://www.kmle.com/search.php?Search=abdomen. 
  2. "Abdomen, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., pahina 206.
  3. Diaphragm, makapal na litid sa pagitan ng tiyan at dibdib.
  4. De Guzman, Maria Odulio. (1968/2005). "Buyon". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
  5. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Abdomen". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 1-4.


Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.