Realismong pampanitikan
Ang realismong pampanitikan ay kabílang sa realistang pagkilos ng sining na nagsimula noong kalagitnaan ng ika-19 dantaon ng panitikang Pranses (Stendhal), at panitikang Ruso (Alexander Pushkin) at umabot hanggang sa hulihan ng ika-18 dantaon at simula ng ika-20 dantaon. Ang realismo, na taliwas sa idealismo, ay naglalayong irepresenta ang mga pamilyar na bagay sa kung ano talaga sila. Ang mga may-akdang realista ay namiling ilarawan ang mga pang-araw-ataw at mga pangkaraniwan na mga gawain at karanasan, sa halip na gumamit ng romantisadong presentasyon. Ang kritikang literaryo na si Ian Watt, gayun pa man, ay nagsasabi na nagsimula ang realismo sa Nagkakaisang Kaharian sa pamamagitan ng isang ika-18 dantaong nobela. Ang mga kasunod na mga may kaugnayang pagsulong sa sining ay naturalismo, realismong sosyal, at noong 1930s, realismong sosyalista.
Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoriyang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan. Halimbawa ng mga akdang masusuri sa teoryang ito ay ang Iba Pa Rin Ang Aming Bayan, Ambo, Papel, Mga Ibong Mandaragit, at Maganda Pa Ang Daigdig.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.