Roger Federer

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Roger Federer
Roger Federer (26 June 2009, Wimbledon) 2.jpg
Bansa Watawat ng Suwisa Switzerland
Tahanan Oberwil, Switzerland
Kapanganakan 8 Agosto 1981 (1981-08-08) (edad 33)
Pook na sinalangan Basel, Switzerland
Taas 1.86 m (6 ft 1 in)
Timbang 88.0 kg (194.0 lb; 13.86 st)
Naging dalubhasa 1998
Mga laro Kanang-kamay; isahang backhand
Halaga ng premyong panlarangan $40,979,981
Isahan
Talang panlarangan: 588–142
Titulong panlarangan: 55
Pinakamataas na ranggo: Blg. 1 (Pebrero 2, 2004)
Resulta sa Grand Slam
Australian Open W (2004, 2006, 2007)
French Open W (2009)
Wimbledon W (2003, 2004, 2005, 2006, 2007, 2009)
US Open W (2004, 2005, 2006, 2007)
Dalawahan
Talang panlarangan: 105–70
Titulong panlarangan: 7
Pinakamataas na ranggo: Blg. 24 (Hunyo 9, 2003)

Huling binago ang kahong-pangkabatirang ito noong: Hunyo 16, 2008.

Si Roger Federer (bigkas: /ˈrɒdʒə ˈfɛdərər/[1]; isinilang Agosto 8, 1981) ay isang Switzerland na dalubhasa sa paglalaro ng tenis, na nakahanay bilang una sa mundo (World No. 1) mula Pebrero 2, 2004, sa nakatalang 231 magkakasunod na mga linggo.[2]

Sa unang pagkakataon, natalo siya ni Rafael Nadal ng España sa kampeonatong pang-2008 sa Wimbledon, Inglatera.[3]

Si Federer lamang ang natatanging lalaking manlalaro na nagwagi ng 16 beses sa mga Grand Slam Tournament ng tennis, kasama dito sa mga Grand Slam Tournaments ang Australian Open, Roland Garros (French Open), Wimbledon, at U.S Open. Isa rin siya sa tatlong manlalaro (kasama sina Agassi at Nadal) na nagwagi sa Grand Slam sa tatlong iba't ibang surface (Clay, Grass, at Hard court). At siya lamang ang natatanging manlalaro na nakalahok sa finals ng lahat ng Grand Slam tournaments at least limang beses sa lahat ng ito. Karamihan ng mga sport analysts, tennis critics, at dating mga manlalaro ay tinitingalaan si Federer bilang pinakamagaling na manlalaro ng tennis.

Si Federer ay nakasali na sa 23 career Grand Slam Finals, 10 dito ay sunod-sunod, at 18 sa 19 finals sa panahon na apat't kalahating taon mula 2005 sa Wimbledon Championships hanggang 2010 Australian Open, hindi kasama ang 2008 Australian Open. Pinhanghahawakan niya ang record sa pagkakarating sa semifinals or better sa 23 magkakasunod na Grand Slam tournaments sa panahong lima't kalahating taon mula 2004 Wimbledon Championships hanggang sa 2010 Australian Open. Sa 2011 French Open, nakamit niya ang kanyang pang 28 na quarterfinal na sunod-sunod sa mga Grand Slam tournaments, sa pagkakataong ito, nalampasan niya ang dating record na naitalaga ni Jimmy Connors.

Nanalo na si Federer sa record na limang ATP Tour Finals at 17 ATP Masters Series Tournments. Nanalo na rin siya ng Gintong medalya sa Olympics sa doubles event kasama ang kapwa Swiss na si Stanilas Wawrinka noong 2008 sa Beijing. Mula 2003 hanggang 2010, si Federer ay laging nasa top two sa year-end rankings.

Bilang resulta ng success ni Federer sa tennis, pinangalanan siyang Laureus World Sportsman of the Year sa apat na taong sunod-sunod mula taong 2005 hanggang 2008. Kilala siya bilang Federer Express o Fed Express, the swiss Maestro, o Maestro. Sa 2011, si Federer ay bilang no. 25 sa Forbes Celebrity 100 List.


Mga sanggunian[baguhin]




Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.