Roscoe Brown

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ito sa pilotong sundalong Amerikano, para sa aktor tingnan ang Roscoe Lee Browne.
Si Dr. Roscoe Brown at mga kolega habang tumatanggap ng medalya mula kay dating pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush.

Si Dr. Roscoe C. Brown, Jr. (ipinanganak noong 1922) ay isa sa Mga Kalalakihang Panghimpapawid ng Tuskegee (Tuskegee Airman), ang unang iskuwadrong militar na binubuo ng mga itim o negro lamang at pinakamatagumpay na eskorteng pambombang kumpanyang militar noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Siya ang dating komander ng ika-100 Iskuwadrong Panglaban (Fighter Squadron) ng ika-332 Pangkat Panglaban (Fighter Group). Nagtapos siya mula sa Paaralan ng Pagpapalipad ng Tuskegee (Tuskegee Flight School) noong Marso 12, 1944 bilang isang miyembro ng klaseng 44-C-SE[2] at naglingkod sa Pulutong na Panghimpapawid ng Hukbong-Kati ng Estados Unidos (United States Army Air Corps) sa Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa siya sa labinlimang mga pilotong nakapagpabagsak ng paunang Alemang panlabang dyet o eroplanong pandigmang Me-262.[3][4]

Noong Marso 29, 2007, dumalo siya sa isang seremonya sa rotunda ng Kapitol ng Estados Unidos, kung saan ginantimpalaan siya at iba pang mga beteranong Mga Kalalakihang Panghimpapawid ng Tuskegee (Tuskegee Airmen) o kanilang mga balo ng Gintong Medalyang Kongresyonal bilang pagkilala sa kanilang paglilingkod[5].

Naninirahan siya sa Riverdale, Bagong York sa Estados Unidos.[6]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. The Christophers. (2004). "Roscoe Brown, Flying Through Barriers". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384., pahina para sa Oktubre 21.
  2. Pilot Graduates from the Tuskegee Flight School, TuskegeeAirmen.org
  3. Roscoe C. Brown, Jr. - Military Biography, au.af.mil
  4. Roscoe Brown, Jr. Biography, TheHistoryMakers.com
  5. "WWII black pilots, Tuskegee Airmen, get top civilian honor" ni William Douglas, The McClatchy Company/McClatchy Newspapers, Marso 30, 2007.
  6. "Sixty years later, Congress honors Tuskegee Airmen", ni William Douglas, The McClatchy Company/McClatchy Newspapers, Marso 15, 2007.