Salamangka (bilis ng kamay)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Salamangka (paglilinaw).
Si Howard Thurston, isang kilalang madyisyan mula sa Estados Unidos. Sinasaad sa poster na ang katagang "Thurston, pinakatanyag na salamangkero ng mundo, ang kahanga-hangang palabas sa uniberso."

Ang salamangka[1] o hokuspokus[2] (Ingles: sleight of hand) ay isang uri ng talentong ginagamitan ng bilis ng kamay. Bagaman kadalasan at tuwirang tumutukoy ito sa isang gawain na pagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood habang nagtatanghal ng pagsasalamangka katulad ng pagsasagawa ng mga ilusyon ng mga naglalahong baraha o salapi, maaari rin itong tumukoy sa mapanlinlang, mapanloko, at mapandayang gawain. Halimbawa ng huli ang pagtatakip ng isang kahero ng mga kwenta para maitago ang ginawa niyang pagnanakaw mula sa kaha ng pera. Tinatawag na mga salamangkero, madyikero, madyisyan, at magician ang mga may kasanayan sa pagsasalamangka.[2]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Salamangka, trick, legerdemain, Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. 2.0 2.1 "Salamangka, hokuspokus, madyisyan, tinatanggap sa Tagalog ang baybay na magician". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.