Sisne

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ito sa mga gansang tinatawag na swan sa Ingles, para sa ibang gamit tingnan ang gansa (paglilinaw).
Mga gansa (mga swan)
Cygnus olor
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Aves
Orden: Anseriformes
Pamilya: Anatidae
Subpamilya: Anserinae
Sari: Cygnus
Bechstein, 1803
Mga uri

6-7 mga nabubuhay pa, tingnan ang teksto.

Mga kasingkahulugan

Cygnanser Kretzoi, 1957

Ang gansa o sisne (Ingles: swan) ay isang uri ng ibon na kahawig ng mga bibi. Tinatawag na gansa ang babae, samantalang ganso[1] naman ang mga lalaking gansa. Lumilipad sa himpapawid at lumalangoy din na nakalutang sa ibabaw ng tubig ang mga ito.[1] Kabilang ito sa mga tinatawag na ibong pam-poltri.[1] Kabilang sa mga gansang ito ang mga saring Cygnus. Kilala rin ang mga gansang ito bilang Cygnanser.

Ang sisne[2] ay isang uri ng ibong lumalangoy (waterfowl kung tawaging sa Ingles, o "ibon sa ilang") na kamag-anak ng itik at gansa. Ang mga sisne ay nag-aasawang panghabambuhay, ngunit nagkakaroon din ng mga paghihiwalayan. Ang mga sisne ay kabilang sa mga pinakamalalaki at pinakamabibigat na ibong lumilipad, halimbawa ay ang mga sisneng pipi (Cygnus olor) at sisneng trompetista (Cygnus buccinator).

Karamihan sa mga uri ng sisne ay may puting balahibo; dalawang uri lamang ang may itim - ang Awstralyanong sisneng itim (Cygnus atratus) at ang Timog Amerikanong sisneng itim ang leeg (Cygnus melancoryphus).

Talasanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James."Gansa, ganso." Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. http://translate.google.com/#en%7Ctl%7Cswan



Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.