Software

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang software ay katagang tumutukoy sa kalipunan ng mga panuto, pamamaraan at dokumentasyon na may mga layuning isinasagawa sa isang sistemang pang-kompyuter.[1] Unang ginamit ang katagang ito sa ganitong kaisipan ni John W. Tukey noong 1958.[2].

Larawan ng OpenOffice.org Writer

Ilan sa kabilang rito ay:

  • Ang application software, tulad ng mga word processor, na naggagawad ng mga gawaing kapakipakinabang sa mga gumagamit nito.
  • Ang firmware na isang uri ng software na itinatalaga sa mga kasangkapang tumatanggap ng panuto sa pamamaraang elektrikal. Naiiba ito sa ibang software dahil hindi ito nabubura o nagbabago kahit na walang dumadaloy na kuryente sa kasangkapang kinapagpapalooban nito.
  • Ang middleware na siyang namamahala at nagpapakilos ng mga kalat-kalat na sistemang pang-kompyuter.
  • Ang mga website na nagbibigay kaalaman at kakayahan sa mga taga-gamit sa pamamagitan ng internet o intranet.

Ginagamit din minsan ang katagang "software" sa malawakang pagtukoy sa anumang bagay na ginagamit ng hardware ngunit hindi nananatili rito gaya ng mga pilm, tape at mga record.[3]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Wordreference.com: WordNet 2.0". Princeton University, Princeton, NJ. http://www.wordreference.com/definition/software. Hinango noong 2007-08-19. 
  2. John Tukey, 85, Statistician; Coined the Word 'Software', New York Times, Obituaries, July 28, 2000
  3. software..(n.d.). Dictionary.com Unabridged (v 1.1). Retrieved 2007-04-13, from Dictionary.com website: http://dictionary.reference.com/browse/software


Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]