Malayang sopwer

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Malayang software)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang libreng sopwer o libreng software (Ingles: "free software") ay tumutukoy sa software na pwedeng gamitin ninoman. May kalayaan ang isang manggagamit ng sopwer na paganahin o patakbuhin, kopyahin, ipamahagi, pag-aralan, palitan, at pag-igihin ang sopwer. Sa mas tiyak na diwa, tumutukoy ito sa apat na uri ng kalayaan, para sa mga tagagamit ng sopwer:

  • Ang kalayaang paganahin (run) ang program, para sa anumang kadahilanan (kalayaan 0)
  • Ang kalayaang pag-aralan (study) kung ano ang nagagawa ng program, at iayon ito sa iyong mga pangangailangan (kalayaan 1). Kailangan dito ang pagkakaroon ng akseso sa pinanggalingang code o source code.
  • Ang kalayaang muling maipamahagi (redistribute) ang mga kopya para makatulong kayo sa inyong mga kapitbahay (kalayaan 2).
  • Ang kalayaang pag-igihin (improve) pa ang programa, at ibigay sa publiko ang mga pag-papaiging inyong isinagawa, upang ang buong komunidad ay makinabang (kalayaan 3). Kailangan dito ang pagkakaroon ng akses sa pinanggalingang kodigo o source code.

Mga kilalang halimbawa[baguhin]

Tingnan din[baguhin]

Mga Kawing Panlabas[baguhin]


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.