Stanley Kubrick

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Stanley Kubrick.

Si Stanley Kubrick (26 Hulyo 1928 - 7 Marso 1999) ay isang Amerikanong direktor ng pelikula. Itinuturing si Kubrick bilang isa sa pinakamagigiting mga direktor ng ika-21 daang taon.

Ipinanganak siya sa Lungsod ng Bagong York ngunit higit na namuhay sa Britanya. Iginagalang ang kanyang mga pelikula dahil sa maraming laman nitong mga detalye at simbolismo. Marami sa kanyang mga pelikula ang napakakontrobersyal kapat una silang ipinapalabas. Halimbawa na ang pagtatalik at karahasan sa kanyang pelikulang A Clockwork Orange na nakabagabag sa maraming mga tao noong una itong ilabas noong 1973. Naking napakalaki ng reaksiyon ng pelikula sa Nagkakaisang Kaharian kaya't inihinto ni Kubrick ang pagpapalabas ng pelikula roon sa loob ng mahigit sa 25 mga taon. Kasama sa iba pa niyang mga pelikula ang Dr. Strangelove or: How I Learned To Stop Worrying and Love the Bomb, 2001: A Space Odyssey, at The Shining. Namatay si Kubrick dahil sa atake sa puso noong 1999.



TaoEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.