Tabang trans

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tabang trans

Ang tabang trans ang karaniwang pangalan ng isang uri ng tabang insaturadong nagtataglay ng tabang isomerong trans. Ang tabang trans ay maaaring monoinsaturado o poliinsaturado.

Nalilikha ang tabang trans sa pag-init ng vegetable oil, o langis ng halaman, kasama ng idroheno, isang prosesong tinatawag na idrohenasyon.[1] Ang mga langis na bahagiang sumailalim sa idrohenasyon[2] ay mas matatag at mas matagal mapanis.[1] Ginagawa rin ng idrohenasyon na solido ang langis, kaya mas madali itong ilipat-lipat mula pook hanggang pook.[1] Nakakayanan din ng mga langis na sumailalim sa idrohenasyon ang paulit-ulit na pag-init, ginagawa itong ideal sa pagprito ng mga fast food.[1] Mas mura rin ito sa taba ng hayop.[3] Dahil sa mga ito, malaki ang nagiging pakinabang ng mga kainan at ng industriyang pampagkain sa tabang trans.[1][3]

Kapag ang langis ng halaman ay buuang sumailalim sa idrohenasyon,[4] naglilikha ito ng tabang parang-saturado,[1] bagaman hindi ito itinuturing na tabang trans.[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.