Talon ng Maria Cristina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Talon ng Maria Cristina
MariaCristinaFallsJuly2006.jpg
Ang Talon ng Maria Cristina kung saan matatagpuan ang hidroelektrika proyekto ng Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad na lumilikha ng pitumpung porsyento (70% ) ng elektrisidad sa boung Mindanaw.
Lokasyon Flag of the Philippines Lungsod ng Iligan, Mindanaw, Philippines
Uri Talon
Kabuuang taas 98 m (321.5 ft)
Bilang ng mga patak 2
Pinakamataas na patak 98 m (321.5 ft)
Karaniwang antas ng daloy 130 m³ (4,590.91 ft³)

Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo ng Mindanaw. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito.[1]Ang talon ay ang palatandaan ng Lungsod ng Iligan , na binansagang “Lungsod na may Kahanga-hangang Talon”,dahil sa meron itong mahigit dalawampung (20) talon .[2] Ito ay matatagpuan 9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng lungsod na hinahangganan ng sumusunod na mga Barangay Maria Cristina, Ditucalan, at Buru-un.[2]Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at kariktan ,ang 320 - talampakan (98 metro) taas ng talon[3] ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na pagkalahatang gamit naman ng mga industriya sa lungsod. Ito ay pinapadaloy naman ng Plantang Hidroelektriko ng Agus VI.[4]

Ang Plantasyong Hidroelektrika ng Agus VI[baguhin]

Ang Talon ng Maria Cristina ang nagpapagana sa Plantang Hidroelektrika ng Agus VI , isa ito sa ilan pang plantasyong kumukuha ng elektrisidad mula sa Ilog Agus . Ang Plantang Hidroelektriko ay may kapasidad na makapagsuplay ng 200 MW [4] mula sa daloy ng tubig na mula sa 130 metrong kubiko kada segundo.[2]

Ang Agus VI ay pinamamahalaan ng Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad at ito ay kinomisyon noong 31 Mayo 1953.[5] sa ilalim ng Pagulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa usaping pangkaunlaran sa Super Rehiyon ng Mindanao , ang Agus VI ay planong sumailalim sa mahigit 1.856-bilyong-peso para sa rehabilitasyon ng proyekto.[6]

Talasanggunian[baguhin]


Panglabas na Links[baguhin]

Mga koordinato: 8°11′0″N 124°11′40″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.