Pumunta sa nilalaman

Tensai Terebi-kun

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tensai Terebikun MAX)
Tensai Terebi-kun
Kasalukuyang logo ng Tensai Terebi-kun
GumawaNHK
NagsaayosNHK-ETV
Pinangungunahan ni/ninaTerebi Senshi, Yasuda Big Circus, Asumi Nakata, Haruna Kondo, Haruka Minowa, Ma Inoue, Koji Abe, at Pochi
Bansang pinagmulanHapon
WikaNippongo
Bilang ng kabanatahindi nakatala
Paggawa
Ayos ng kameraMultiple-camera setup
Oras ng pagpapalabas1820-1855 JST (Lunes-Huwebes, NHK-ETV)
1810-1845 JST (Martes-Biyernes, NHK World Premium)
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanNHK
Picture formatHDTV 1080i
Audio formatstereo
Orihinal na pagsasapahimpapawid5 Abril 1993 (1993-04-05) –
kasalukuyan
Website
Opisyal

Isang pambatang variety show ang Tensai Terebi-kun(天才てれびくん) o mas kilala sa tawag na TTK o Tentere, sa pangalawang pambansang channel ng NHK, ang NHK Educational TV. Sumasahimpapawid din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng NHK World Premium. Umeere ang TTK sa Pilipinas mula Lunes hanggang Biyernes, alas-5:10 ng hapon hanggang alas-5:45 ng hapon.

Ang mga segment nito ay kinabibilangan ng lingguhang dula, mga laro (pisikal at mental), reality specials, mga ulat, at MTK (Music Terebi Kun). Dalawang beses kada taon, tuwing pahinga ng tag-araw at taglamig, nagsasagawa ang TTK ng mga grandyosong pagtatanghal sa NHK Hall na pinamagatang TTK Special in NHK Hall. Sumasahimpapawid ang TTK mula sa Studio CT-415 ng NHK Broadcasting Center.

Pangkalahatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasaysayan
Opisyal na pinangalanang Tensai Terebi-kun, una itong sumahimpapawid noong 5 Abril 1993 bilang isa sa mga programa ng NHK-ETV sa maagang gabi mula Lunes hanggang Huwebes. Tuwing alas-6 ng gabi ang pag-ere nito na may 25 minuto ang haba hanggang 1999 nang pinahaba pa ito ng 25 minuto. Ang pinahabang oras nito na naging 45 minuto na at pagbabago sa sangkap ng palabas ay nagresulta din sa pagbabago nito ng pangalan. Mula 1999 hanggang 2002, ang TTK ay kinilala bilang Tensai Terebikun WIDE. Noong 7 Abril 2003, muling binago ang TTK. Inurong ang oras nito mula alas-6 ng gabi sa alas-6:25 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi. Pinangalan ang TTK na Tensai Terebikun MAX. Mula 2004, umeere ang TTK mula alas-6:20 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi, may kabuuang 40 minuto. Noong 2005, pinaikli ang oras sa 35 minuto, mula alas-6:25 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi at nito lamang 2006 ay binalik muli ang oras sa alas-6:20 ng gabi ngunit hanggang alas-6:55 ng gabi lamang upang bigyang daan ang programang Boys and Girls Zone sa NHK-ETV at ang Walking The Tokaido sa NHK World Premium. Sa pagpasok ng season 29, limang araw na isang linggo mapapanood ang TTK. Inalis na ang palabas na We Love Science sa NHK World Premium kung saan ito dating umeere ng Lunes. Ipinalit na dito ang pang-Biyernes na edisyon ng TTK. Apatnapu't limang minuto ang pang-Biyernes na edisyon ng TTK na tinatawag na Bit World, mas mahaba ng 10 minuto kaysa regular na TTK. Iba din ang laman at format ng pang-Biyernes na edisyon.

Ang programa
Bawat taon, mayroong CG (computer-generated) mascot ang TTK na naghohost ng ilang mga segment.
Mga CG mascot:
1993-1998 ~ Tetchan

1997-1998 ~ Tetsumaro

1998-1999 ~ TK-kun

1999-2000 ~ TK-kun 2

2000-2001 ~ Ebaran

2001-2002 ~ Mongo

2002-2003 ~ Butchoh-buchoh

2003-2004 ~ Tamabucho, Etowaaru

2004-2005 ~ Rabi, Rabi-88

Rabi kasama si Takuya Ide

2005-2006 ~ Ontsukun

2006-2007 ~ Ontsu Hassei (Ontsu ika-8), Mimii, Bibin

2007-2008 ~ Monji

Ontsu Hassei

2008-2009 ~ Monji

Binubuo ang cast ng mga kabataang tinatawag na mga Terebi Senshi o sundalong pantelebisyon. Sa panahong ito (2006, season 27-28), mayroong 24 na Terebi Senshi na may mga edad mula 10 hanggang 14. Sila ay sinasamahan din ng mga nakatatandang host. Mula 2003 hanggang 29 Marso 2006, ang duo ng TIM na binubuo nina Red Yoshida at Golgo Matsumoto ang naging mga host ng TTK. May iba pang mga nakatatandang anawnser para sa mga segment gaya ng Kami-Foot Touchdown at para na din sa kanilang live na pagsasahimpapawid tuwing Huwebes. Mula 2 Abril 2007, ang grupong Yasuda Big Circus na binubuo nina Dancho, Kuro, at Hiro ang mga host ng TTK.

Ang mga season break ay mula hulihan ng Hulyo hanggang kalagitnaan ng Oktubre* at mula kaagahan ng Disyembre hanggang kalagitnaan ng Enero. May isa pa uling break mula kalagitnaan ng Pebrero hanggang huling linggo ng Marso upang magbigay daan sa paghahanda sa papasok na bagong season. Sa mga panahong iyon ay tanging mga rerun lamang ang ineere, maliban na lang sa umpisa ng huling season break kung saan nageere sila ng mga buong-linggong reality specials.

  • Subalit, noong simula ng season 28,mas maagang nanumbalik ang normal na pagsasahimpapawid ng TTK sa kalagitnaan ng Setyembre.

Noong 2005 ay lumipat ang TTK sa Hi-Vision format na 1080i. Ngunit dahil sa maraming pagaayos ang kailangang gawin sa kalidad ng larawan, ang Tentere Drama ay nasa SDTV 480i pa din samantalang ang nalalabing kabuuan ng programa kabilang na ang mga live na brodkast at pagtatanghal, ay nasa Hi-Vision. Sa unang bahagi ng 2007, ipinatupad na ang bagong iskedyul ng TTK. Sa bagong iskedyul, wala na ang huling season break at magtutuloy-tuloy ang regular na programa hanggang Marso. Inilaan ang huling dalawang linggo ng Marso sa mga tribute episode sa bawat senshi na aalis. Simula 2 Abril 2007, napapanood na mula Lunes hanggang Biyernes ang TTK. Isinama na sa TTK ang palabas na Tensai Bitkun na dating umeere ng Biyernes sa NHK-ETV. Sa Bit World, madadagdag ang animation na Oden. Pinangungunahan ni Asumi Nakata ang Bit World. Sa season 31, apat na ang grupo ng mga Terebi Senshi sa halip na dalawa lamang. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng isang hayop bilang kasapi ng cast. Ito ay si Pochi, isang aso na lahing Akita.

1. Nanda Gamebattle
- Ito ang tawag sa kalipunan ng mga laro sa TTK. Ito ay ginagawa lamang sa studio at bawat araw ay ibang laro ang kanilang ipinapakita. Kadalasan ay 3 o 4 ang senshis na maglalaro bawat grupo, kasama na ang kanilang bawat host.

2. Kami-Foot Touchdown
- Ang larong ito ay ibinase sa Amerikanong Football. Ang kaibahan nga lang, ay eroplanong papel at lambat ang gamit dito sa halip na bola.

3. Tentere Mission
- Dito itinatanghal ang mga ulat na ginawa ng mga senshi.

4. Tentere Reality Specials
- Dito itinatanghal ang mga pambihirang reality special ng mga senshi.

5. Tentere Drama
- Maiikling mga dula na kasya lamang sa loob ng 3 araw. Bawat dula ay ibang senshi ang bida. Ang mga istorya ay kadalasang umiikot sa mga misteryosong pangyayari.

6. Mokuyo Preview
- Dito ipinapatikim ang mga dapat abangan sa live na pagtatanghal ng Happy Mokuyo tuwing Huwebes. Isinasama na din dito ang mga anunsiyo.

7. Music Terebi Kun o MTK
- Dito itinatanghal ang mga music video ng mga senshi. Mula 1998 hanggang 2004, ang MTK ay isinisingit sa kalagitnaan ng programa at tumatagal ng 2 hanggang 3 minuto. Bawat kanta ay pinapalitan kada 2 linggo. Noong 2005 ay naging panghuling segment na nila ito. Tuwing 3 buwan na lamang pinapalitan ang mga kanta. Ito ngayon ang nagmimistulang ending theme.

8. Afterschool Colliseum
- Maaaring sumali ang mga kabataan sa tampok na laro dito, kasama ang isang senshi.

Thursday Live

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tuwing Huwebes ay live ang pagtatanghal ng TTK. Iba ang mga segment at estilo ng programa dito.

Mga katawagan sa Thursday Live

  • Club Zuritz - 2004
  • Yugedeland - 2005
  • Happy Mokuyo - 2006
  • Uki Uki Mokuyo -2007-2008

Mga regukar na segmento tuwing Thursday Live
1. Happy Surprise
- Bawat linggo ay may isang may kaarawan ang sorpresang dadalawin sa kanyang tahanan ng isang senshi. Ang ginagamit ng mga field senshi dito ay videophone o kaya nama'y broadband upang hindi sila mahalata, kaysa magdala ng normal na OB van. Sa studio naman ay nakapaskil sa isang pisara ang mga nagpdala ng kanilang kaarawan sa fax upang mabati sa telebisyon.

2. Live Report
- Iba't ibang senshi ang naguulat ng live linggu-linggo mula sa iba't ibang panig ng bansa at iba't ibang mga paksa din ang kanilang iniuulat. Puwede na ngayong magpadala sa Happy Mokuyo ng mga rikwes sa mga senshi, mga kakaiba at nakatutuwang mga litrato, atbp. bukod sa fanmail. Nakaugalian din noon na may mga panauhin silang mga artista at ang magpalaro ng interaktibong pakontes sa mga manonood. Noong 2003 ay pansamantalang itinigil ang Thursday Live at ipinalit dito ang ilang mga laro.

Mga tagpuan bawat taon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Purazumakai
Ang Purazumakai o mundo ng plasma ay isang planetang gawa sa plasma particles ng telebisyon. Televia ang tawag sa planetang ito. Ito ang tagpuan noong 2004. Hindi pabilog ang hugis ng Televia. Sa halip, ito ay hugis ng isang tipikal na UFO kung saan ang hugis ng saucer ay nahahati sa dalawa. Napapaligiran ng bahaghari ang planeta. Sa planetang ito, tanging ang panig lamang ng Rainbow Guardians ang nasisinagan ng araw samantalang balot naman ng kadiliman ang panig ng Underworld Family. Mula ng mahigop sina Tenka Hashimoto at Tsugumi Shinohara sa kanilang telebisyon mula sa daigdig ay umikot na ang istorya ng Televia.

Rainbow Guardians

Rainbow Guardians
Pinangungunahan ni Red Yoshida ng TIM ang Rainbow Guardians (RG). Nakatira sila sa maliwanag na bahagi ng Televia. Matingkad ang kulay ng damit ng mga RG. Sa bahaging dibdib ng kanilang damit, nakatatak ang simbolo ng RG. Binabantayan ng RG ang kanilang lugar mula pa man sa kanilang mga ninuno. At dahil nga sa hindi nasisinagan ng araw ang Underworld Family (UWF), ilang beses na ring tinangka ng huli ang nakawin ang Kahon ng Bahaghari mula sa RG. Ilang beses din nilang sinalakay ang Televi Town. Ngunit hindi rin alam maging ng RG na mayroon palang ganoong kahon. Ngunit ipinagtatanggol pa din ng RG ang kanilang bayan. Nahigop sina Tenka at Tsugumi patungong Televia sa pamamagitan ng kanilang telebisyon dahil sa isang penomena na nagaganap lamang tuwing isandaang taon. Nabubuksan ang mga lagusan ng Televia sa daigdig ng mga tao. Bumagsak si Tenka sa Rainbow Guardians Building (RGB). Sa paligid ng Televi Town, maging sa mga kalapit na kagubatan doon, ay mga nakatagong remote control na naglalaman ng negatibong enerhiya. May pitong ganoong remote control ang nakatago sa Televi Town. Noong unang panahon, nagupo ng mga ninuno ng RG si Mao-chan, isang halimaw na balak sirain ang Televia. At oras na lumabas ang lahat ng negatibong enerhiya mula sa mga remote control ay muling mabubuhay si Mao-chan. Ngunit naloko ang UWF ng isang babae na nagngangalang Natsuki. Nabuhay si Natsuki ng aksidenteng mabasag ni Tenka ang unang remote control. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, si Natsuki ay si Mao-chan na muling naghahanap ng lakas. Aniya, ay ibibigay niya sa UWF ang Kahon ng Bahaghari basta't mailabas ang lahat ng mga nakatagong remote control. Nang unti-unti nang nagkakaroon ng lakas si Natsuki ay huli na nang malaman ito ng RG at UWF. Lumitaw sa isang hologram projection ang ninunong aghamista ng UWF at binalaan sila na huwag nang makipagtalo pa sa RG dahil sa napakalaking pagkakamaling ginawa ng UWF. Kailangang gupuin nila si Natsuki ngunit sa mga sandaling iyon ay nasira na ang lahat ng remote control. Inutusan ni Reyna Arisa ng UWF ang kanyang mga tauhan na makipagtulungan sa RG upang magupo si Natsuki. Tagumpay nilang natalo si Natsuki. Mula noon ay masaya nang namumuhay ang RG at UWF. Muling nanumbalik ang kapayapaan sa Televia.

Mga kasapi ng RG:

Ibang pang mga residente ng Televi Town:

Underworld Family

Underworld Family
Pinangungunahan ni Golgo Matsumoto ngTIM ang Underworld Family (UWF). Nakatira sila sa madilim na bahagi ng Televia, o ang Dark Town. Itim na may mga guhit na dilaw-berde ang kanilang mga damit. Nais nilang maghiganti sa RG dahil sa umano'y ninakaw ng huli ang araw. Kapag nakuha nila ang Kahon ng Bahaghari, mapapasakanila na ang araw. Upang sila'y makapaniktik, naghuhukay sila direkta sa ilalim ng Televi Town. Lagi nilang inaatake ang Televi Town ngunit lagi silang natatlo ng mga nakabantay na elite unit ng RG. Nakipagkasundo sila kay Natsuki na ibibigay sa kanila ang kahon kapag naibigay nila sa kanya ang lahat ng nakatagong remote control. Ngunit gaya ng nasabi sa kasaysayan ng pakikipaglaban nila kay Natsuki, ay huli na nang kanilang malaman na niloko lang pala sila. Nadiskubre ni Dr. Reishi ang kasulatan kung saan nakasulat ang katotohanan tungkol kay Mao-chan. Doon sa kasulatan na iyon ay nakausap nila ang ninuno ng mga aghamistang Reishi upang balaan sila sa muling pagbabalik ni Maon-chan. Sa kanilang pakikipagtulungan sa RG ay matagumpay nilang nagupo si Natsuki.

Mga kasapi ng UWF:

Iba pang residente ng Dark Town:

Yugeder
Isang lumilipad na lungsod sa kalawakan ang Yugeder. Ito ang tagpuan ng 2005 at 2006. Singaw ng mainit na tubig ang pinagkukunang enerhiya nito. Nagsimula ito nang magplanong lumikas ang mga residente ng planetang D51 dahil sa sasalpok ang kanilang planeta sa isang kometa. Nagtagumpay ang mga aghamista na gawin ang Yugeder at nailikas ang lahat ng mga residente. Sa ibang salita, ang Yugeder ay isang dambuhalang sasakyang pangkalawakan. Nahati sa dalawang grupo ang mga residente. Ang mga mangangabayo na Steam Knights at ang mga salamangkero na Jokey Mahorns. Ngunit biglang nahigop ng isang black hole ang Yugeder. Mabilis na lumipas ang 500 taon. Isang araw, ay may biglang bumagsak na bulalakaw sa control room ng Yugeder. At mula sa bulalakaw na iyon ay lumabas sina Elly Watanabe at Yuuta Koseki.

Steam Knights, 2005
Steam Knights, 2006

Steam Knights
Ang Steam Knights (SK) ang nagpapanatili ng kapayapaan sa Yugeder. Sila ang direktang kumukuha ng mga utos mula sa hari. Pinangungunahan sila ni Red Yoshida. Karibal nila ang Jokey Mahorns. Pangunahing sandata nila ang espada.

Mga kasapi ng SK:
2005

2006

Jokey Mahorns, 2005
Jokey Mahorns, 2006

Jokey Mahorns
Mga salamangkero ang Jokey Mahorns (JM). Pinangungunahan sila ni Golgo Matsumoto. Noong 2005 ay itim ang kanilang mga damit ngunit hinaluan na din ito ng berde noong 2006. Ngunit may ilan ding naiiba. Ang mga damit nina Kenjiro Nagashima at Manami Ikura ay estilong Hapones. Bibihira lamang silang makitang gumagamit ng salamangka. Subalit noong huling bahagi ng Shin Yugeder Monogatari, madalas na silang makitang gumagamit ng salamangka kapag nakikipaglaban.

Mga kasapi ng JM:
2005

2006

Nanda MAX
Ito ang tagpuan ng TTK para sa piskal na taong 2007. Isa itong lihim na base na nakatago sa isang liblib na isla. Sinasabing naglalaman ng hindi mabilang na dami ng kuwarto and base na ito. Ipinapalutas ni Monji ang isang misteryo sa pamamagitan ng mga gintong kard na kanyang pinapahanap sa mga senshi at sa Yasuda Big Circus.

Uto

Uto
Mga kasapi ng Uto:

Lets

Lets
Mga kasapi ng Lets:

Iba pang mga taon
1993 - Media Tower

1994 - Media Station

1995 - Media Desert

1996 - Parallel World

1997 - (?)

1998 - Ekagen Star

1999 - Roketto no Naka (Gitna ng Rocket)

2000 - Apato (Apartment)

2001 - Tensai Circle

2002 - Media Station

2003 - Hyper Kingdom

CD

  • MTK the 1st
  • MTK the 2nd
  • MTK the 3rd
  • MTK the 4th
  • MTK the 5th
  • MTK the 6th
  • MTK the 7th (Disyembre 2003)
  • MTK the 8th (Hunyo 2004)
  • MTK the 9th (Pebrero 2005)
  • MTK the 10th (Pebrero 2006)
  • MTK the 11th (Marso 2007)
  • Yakusoku no Basho he (Abril 2007)
  • MTK the 12th (Pebrero 2008)

DVD

  • MTK the Video 1-3 (24 Enero 2003)
  • Drum Kana Adventures bolyum 1-3 (20 Marso 2003)
  • Dinosaur Planet 1-7 (27 Hunyo 2003)
  • Genediver 1-7 (26 Disyembre 2003)
  • Kyuu Nanosaver 1-7 (26 Marso 2004)

Publikasyon

  • Tensai Terebikun Quiz Game - Tensai Nazonazo Pirates! (Disyembre 1994)
  • Defeat the virtual devil! Tentere Adventure Game (Disyembre 1994)
  • Terebi Senshi Rescue Game (Enero 1995)
  • Maze Game 1-2
  • Dinosaur Planet 1-2
  • Genediver 1-2

Mga kaganapan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bawat taon, tuwing Agosto (tag-araw) at tuwing Enero (taglamig) isinasagawa ang TTK Special in NHK Hall. Subalit noong 2005, walang naganap na special ng taglamig. Sa tag-araw, mga dula ang laman ng palabas. Sa taglamig naman ay konsyerto. Mahirap makakuha ng tiket sa mga pagtatanghal na ito sapagkat madaling nagkakaubusan ng mga tiket kaya't ipinapayo ang maagang pagpapareserba.

  • SF New Comedy Space Hotel SOS! (3 Agosto 2002/15 Setyembre 2002 alas-9 ng umaga NHK-ETV)
  • MTK Super Live 2003 in NHK Osaka Hall (26 Enero 2003/11 Pebrero 2003 alas-9 ng umaga NHK-TV)
  • Winds! Edropolis (Agosto 2003/23 Setyembre 2003 Nitukiyou TV)
  • Super Musical! (1 Pebrero 2004/11 Pebrero 2004 alas-9 ng umaga NHK-ETV)
  • Scream of Rock Star Plasma Travel (1 Agosto 2004/20 Setyembre 2004 alas-9 ng umaga NHK-ETV/Disyembre 14-17, 2004 alas-6:10 ng gabi NHK World Premium)
  • Plasma Mega Song Battle (30 Enero 2005/11 Pebrero 2005 alas-9 ng umaga NHK-ETV at NHK-ETV Digital)
  • Rescue Yugeder! Largest Crisis in History (7 Agosto 2005/19 Setyembre 2005 alas-9 ng umaga NHK-ETV at NHK-ETV Digital/31 Disyembre 2005 alas-10:55 ng gabi NHK-ETV Digital)
  • TTK Special Live Stage in Learning Fair 2005 (5 Nobyembre 2005/17 Nobyembre 2005 NHK-ETV)
  • Rescue the Child Star! (5 Agosto 2006/18 Setyembre 2006 alas-9 ng umaga NHK-ETV at NHK-ETV Digital/5 Nobyembre 2006 alas-2 ng hapon NHK World Premium/31 Disyembre 2006 alas-5:45 ng hapon NHK-ETV at NHK-ETV Digital)
  • TTK Show in Learning Fair 2006 (5 Nobyembre 2006)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]