NHK

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
NHK (日本放送協会, Nippon Hōsō Kyōkai)
NHK logo.svg
Sinimulan 1926
Pagmamayari ng mga mamamayan ng Hapon (pampublikong brodkaster)
Islogan まっすぐ、真剣。(Tuwid at Seryoso)
Bansa Hapon
Kasakupan ng brodkast buong bansa at daigdig
Himpilan Shibuya, Tokyo
Formerly called Radio Tokyo
Website http://www.nhk.or.jp/
Saan mapapanood?
Makalupang Telebisyon
General TV Channel 1 (Digital TV)
Educational TV Channel 2 (Digital TV)
Satellite
BS-1 Channel 101(Digital)
BS Premium Channel 103(Digital)
NHK World DVB

Ang NHK (日本放送協会, Nippon Hōsō Kyōkai) o ang Japan Broadcasting Corporation ang pambansang pampublikong brodkaster ng bansang Hapon. Sa ngayon, nagpapatakbo ang NHK ng dalawang serbisyong terestyal na telebisyon (NHK - General TV at NHK - Educational TV), tatlong serbisyong pang-satelayt (NHK BS-1 at BS Premium), at tatlong ugnayan ng radyo (NHK Radio 1, NHK Radio 2 at NHK FM). Para sa mga nasa ibayong dagat, mayroon din silang serbisyo na NHK World. Binubuo ang NHK World ng NHK World TV, NHK World Premium, ang shortwave na serbisyo ng radyo NHK Radio Japan at ang website nito sa internet. Kilala din ang serbisyong shortwave nito sa impormal na pangalang Radio Tokyo. Nasa NHK Broadcasting Center sa Shibuya, Tokyo ang punong himpilan ng NHK.

Kasaysayan[baguhin]

Itinatag ang NHK noong 1926, ihinulma pareho sa BBC ng Inglatera. Inilunsad ang pangalawang ugnayan ng radyo noong 1931 at ang serbisyong shortwave noong 1935. Noong Nobyembre 1941, ininasyonalisa ng Hukbong Imperyal ng Hapon ang lahat ng pampublikong ahensiyang pambalita. Kaya't ang lahat ng nailathala at naibrodkast na mga balita noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay mga opisyal na anunsiyo mula sa militar.

Nagsimula ang serbisyong pantelebisyon nito noong 1953. Sumahimpapawid ang unang brodkast na may kulay noong 1960. Matapos ang 1964 Tokyo Olympics, ang dating Olympic Village sa Yoyogi sa distrito ng Shibuya sa Tokyo, ang siyang naging tahanan ng NHK. At noong 1965, pormal nang binuksan ang NHK Broadcasting Center sa bandang timog ng Yoyogi National Park. Bagama't NHK ang naglunsad ng pangkalakalan (commercial) na brodkast sa Hapon, binabayaran ngayon ang NHK ng mga viewer fee. Sa ilalim ng Batas ng Brodkasting, obligadong magbayad ng fee na nagkakahalaga ng USD12 o PHP5800 buwan-buwan (¥1,290.83 buwan-buwan o ¥15, 490 taon-taon) ang mga residente ng Hapon na nagmamay-ari ng telebisyon. Subalit hindi sila nagpapataw ng parusa sa sinumang hindi nakapagbayad. Sa kasalukuyan, may 1 milyong sambahayan ang tumatangging magbayad sa NHK at kinukunsidera ng pamahalaan ang mas mahigpit na sistema ng pangongolekta ng bayad, kabilang na ang paghahabla sa korte o ang paniningil ng mga 'di nabayarang halaga. Ang mga eskandalong gumimbal sa NHK kamakailan lamang na sangkot ang ilang mga ehekutibo na umano'y nagwaldas at nangurakot ng pondo kabilang pa ang ibang mga bagay, ay lalong sumira sa tiwala ng taumbayan sa NHK, at patuloy na tumataas ang bilang ng mga pagboykot sa bawat eskandalong lumilitaw.

Sumahimpapawid ang NHK World TV noong 1995. Lumipat ang buong ugnayan ng NHK sa digital na brodkasting noong 2000.

Mga Programa[baguhin]

  • Balita. Lokal, Pambansa, Pandaigdig. May serbisyong bilinggwal ang NHK News 7 at News Watch 9 sa NHK-General TV, NHK World TV at NHK World Premium. Mayroon ding mga espesyal na balitaan para sa mga pipi at bingi. Para naman sa mga bata, mayroon namang Kodomo News.
  • Paguulat sa Emerhensiya. Sa ilalim ng Batas ng Brodkasting, obligado ang NHK na magsahimpapawid ng mga maagang babala sa panahon ng kalamidad gaya ng lindol st tsunami. Nagagawa ito ng NHK sa pamamagitan ng pambansang ugnayan ng mga sismometro at mga skip-back camera na may reserbang pagkukunan ng kuryente, sakaling maputol ang suplay ng kuryente upang makunan ang buong paglindol at mabilis itong mairewind. Nagagawa ng NHK na magulat ng mga babala at abiso para sa tsunami sa loob lamang ng 2 hanggang 3 minuto matapos maganap ang lindol. Ipinagpapaliban muna ang regular na mga programa sa mga oras ng matinding sakuna gaya ng malakas na lindol at tsunami. Depende ang tagal ng pagpapaliban ng regular na mga programa sa lala ng sitwasyon. Mas malala, mas mahaba ang oras na ilalaan sa pagbabalita.
  • Edukasyon. Pinapanood sa mga paaralan sa buong Hapon ang mga pang-edukasyong palabas ng NHK. May angkop na mga programa mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda. Pang-eskuwelahan, infotainment at mga trivia game shows para sa mga bata, at mga pangkabuhayan, paghahalaman, pagluluto at pagaaral ng iba't-ibang wika para naman sa mga nakakatanda. Mayroon din silang "Pamantasan sa Himpapawid" para sa mga hindi makakuha ng pormal na edukasyon.
  • Panahon. Mga ulat ng panahon sa loob at labas ng Hapon, bawat oras.
  • Pampalakasan. Isinasahimpapawid ng NHK ang anim na taunang Grand Sumo Tournament, high-school baseball mula sa Koshien Stadium, Olympic Games, National Sports Festival of Japan, NHK Trophy, NHK Marathon, at iba pa.
  • Pagaanalisa ng Balita. Mga programang malalimang tumatalakay sa mga balita at isyung napapanahon.
  • Musika. Pinakatanyag na palabas sa telebisyon ang taunang Kohaku Uta Gassen tuwing bisperas ng Bagong Taon. Linggu-linggo, may patimpalak para sa mga amaturista sa "NHK Nodojiman" at mga pagtatanghal ng mga sikat na mang-aawit pagsapit ng gabi.
  • Dulang Pantelebisyon. Mga dula sa umaga, lingguhang jidaigeki, at ang Taiga drama.
  • Dokumentaryo. Tanyag ang NHK sa mga dokumentaryo nito. Unang pinasikat ng mga programang "Legacy For The Future" at "The Silk Road".
  • Pambata. Pinakatanyag dito ang "Okaasan to Issho" [Kasama si Nanay](1958-kasalukuyan) at Tensai Terebikun MAX [Whiz-kids TV MAX](1993-kasalukuyan)
  • Iba pa. Pagluluto, komedya, ehersisyo, atbp.
  • Anime

Mga Natatanging Programa[baguhin]

  • BuBu ChaCha
  • Cardcaptor Sakura (1998-2000)
  • Eigo de Shabera Night (2002-kasalukuyan)
  • Kohaku Uta Gassen
  • Kyo Kara Maoh!
  • MAJOR
  • Minna no Uta (1961-kasalukuyan)
  • Morizzo and Kiccoro (2005 Aichi World Expo season)
  • Nadia: The Secret of Blue Water (1990-1991)
  • Planetes
  • Snow Princess
  • Tsubasa Chronicle
  • Tensai Terebikun MAX (1993-kasalukuyan)
  • UFO Baby
  • Zettai Shonen ("Absolute Boy") (2004-2005)

Mga Kawing Panlabas[baguhin]