The Adventures of Tintin

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang The Adventures of Tintin (Tagalog: Mga Kuwento ng Pakikipagsapalaran ni Tintin) ay isang serye ng mga komiks na nilikha sa Belhika ng artistang si Georges Remi (1907-1983), na sumulat sa ilalim ng pangalang-turing na Hergé. Ang serye ay isa sa mga pinaka-sikat na komiks mula sa Europa sa ika-dalawampung siglo, may mga nalathalang salin na higit sa 50 wika at nakapagbenta ng higit sa 200 milyong kopya ng libro sa ngayon.

Ang serye ay unang lumitaw sa lengguwaheng Pranses sa Le Petit Vingtième (Ang Malinggit na Ika-dalawampu), isang pambatang suplemento para sa pahayagang Belhiko Le XXe Siècle (Ang Ika-dalawampung Siglo) sa 10 Enero 1929. Ang tagumpay ng serye nakita ang mga pirasong seryeng nalathala sa nangungunang pahayagan ng Belhika na Le Soir at humantong sa matagumpay na rebistang Tintin. Pagkatapos sa 1950, inilikha ni Hergé ang Studios Hergé, kung saan ginawa ang kanonikong serye ng dalawampu't apat na album. Inihalaw rin ang The Adventures of Tintin para sa radyo, telebisyon, teatro, at pelikula.